Chapter 30

149 11 3
                                    

Chapter 30

Umaga na, training muna ako from 10am-4pm tapos ako na ang magbabantay kay Man Se sa hospital. Ganun ang buhay ko for the next few weeks dahil busy DAW sila Chanyeol.

"Ang dami niyo namang dala?" Tanong ko kasi nandito kami ngayon lahat sa living room at paalis na kami maya-maya.

"Don't worry, babalik-balik pa din naman kami dito kaso busy lang talaga so mas maigi ng dalhin na halos lahat ng gamit para hindi na kami pabalik-balik." Sabi sakin ni Kai.

"Ay hindi talaga ako maga-alala, wala akong pakialam kung hindi na kayo bumalik." Sabi ko kay Kai, binasag ko din siya eh. Ano akala niya? Hindi ko kayang mabuhay ng wala sila dito? Psssh.

"Tch." Yan nalang nasabi ni Kai at kinuha niya na yung mga gamit niya.

Kinuha ko na din yung mga gamit ko at lumabas na kami ng sabay-sabay. Hindi na ko magpapahatid sakanila sa SM building, alam ko na yung way eh, tska may sarili naman akong kotse. Kaya ko sarili ko, sapakin ko pa sila eh.

Bubuksan ko na yung kotse pero bigla akong pinigilan ni Chanyeol. "What do you want?" Sabi ko sakanya at medyo natarayan ko siya kasi nag-init ang ulo ko kay Kai.

"Are you sure you'll be fine?" Tanong niya sakin.

"I graduated as a suma-cumlaude so yeah, yeah- i'll be fine." Sabi ko sakanya na medyo sarcastic.

"Thank you." Sabi niya.

"Don't thank me yet, I haven't done anything yet." Sabi ko at binuksan ko na yung pinto ng kotse ko. Umalis na siya at papunta na siya sa kotse niya.

"Chan-" errr, bakit ko ba kasi siya tinawag. -_-

"Yes?" Tanong niya.

"Ah- nevermind." Sabi ko. Hindi ko pwede itanong ngayon yung narinig ko sakanya kagabi. Itatanong ko nalang ulit pagbalik nila at hindi na sila busy.

Nag-smile na ko at pumasok na ko sa kotse ko. Pumasok na din siya sa kotse niya at sumenyas na aalis na sila. Nag-start na ko ng kotse at nagsimula na kong mag-drive.

Naisip ko na naman yung sinabi ni Chanyeol sakin kagabi. Pero hindi niya alam na narinig ko, kasi nagpanggap ako na tulog na. Hindi mawala sa isip ko yun, kasi bakit hindi niya nalang sinabi sakin kung ayaw niya talaga ako iwanan? Nahihiya ba siya? Hindi naman dapat eh, kilala niya naman ako, at alam niyang maiintindihan ko siya. Pero bakit niya tinago?

Alam kaya ni mama 'to?

Wait.

Speaking of mama, hindi ko pa siya nakakausap ever since nakarating ako ng Korea. Matawagan nga-

*Mr. Mr. Ringtone.

***unknown number calling.

"Yobeoseyo?" Sagot ko.

"Where are you? Are you on your way now?" Kilala ko to. Boses ni Hyemi eonni eh, isa sa mga manager ko.

"Yes eonni." Sabi ko.

"Okeh. Be safe!" Sabi niya sakin at binaba niya na yung phone.

Onti nalang nasa SM building na ko, tatawagan ko nalang si mama pag nakapag-park na ko ng kotse. Anong oras na ba?

9:47 am.

And here we are, SM building!

Nag-park na agad ako at kinuha ko na yung mga gamit ko. Dinial ko yung number ni mama sa phone ko at nag-ring naman. Naka-LTE ako (3G), through LINE kami naguusap ni mama.

"Hello?" Si mama unang nagsalita.

"Ma!" Sabi ko.

"Anak, kamusta na kayo diyan? Miss ko na kayo." Sabi niya sakin tapos ang bilis niya magsalita, na-excite naman si mama.

Just Another Love Story. [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon