Chapter 24

147 11 0
                                    

Chapter 24

May magnet siguro ako ng heartbreaks, lagi nalang kasi akong iniiwan ng taong mahal ko eh.

"Ahjumma!" Tumakbo papalapit sakin si Man Se at niyakap niya ako. Hindi ko siya mayakap dahil wala pa ko sa mood. At aalalahanin ko lang ulit, sila ang dahilan kung bakit ako pupunta ng Korea ngayon.

Naglakad papalapit samin si Chanyeol at magsasalita sana siya pero pinigilan siya ni In Ho, "not now." Sabi ni In Ho.

"Sooyoung-ah. I want you to know that I love you no matter what, okay?" Sabi ni mama sakin at niyakap niya na ako.

Ako? Tulala lang.

"Sige na. At baka ma-late pa ko sa flight niyo." Sabi ni mama at pinaalalayan niya ako kay In Ho. Si In Ho ang nagdadala ngayon ng mga gamit namin. Nasa iisang push cart lang kasi yung gamit naming dalawa eh.

"Sino nagimpake ng gamit ko?" Tanong ko kay In Ho habang naglalakad kami papasok sa airport.

"Manang Josie." Sabi ni In Ho. Yun yung isa pa naming maid, matagal na din yun samin eh.

Hindi na ko nagsalita ulit dahil sobrang sakit parin ng nararamdaman ko ngayon. Iwanan ka daw ba ng taong mahal mo? Siya pa talaga naghatid sayo mismo sa airport ah? Sakit!

After so many processes, kumain muna kami bago na kami mag-board sa airplane. Bumili ako ng dalawang malaking pepero at nilagay ko sa bag ko.

Inayos ko yung bag ko habang naka-upo kami ngayon dito sa may cafeteria at ngayon ko lang naalala. Nilagay ko sa isang paper bag yung toga, doll shoes at yung sulat ko dapat kay Chanyeol kasi hindi nga ako sasama sakanila, pero eto ako ngayon.

Saan ko nga ba nilagay yun?

"In Ho! May nilagay ka bang paper bag sa mga maleta natin?" Tanong ko kay In Ho.

"Anong kulay?" Tanong niya.

"Brown." Sabi ko habang naghahanap ako sa loob ng bag ko.

"Wala." Sabi niya.

"Nandun kasi yung toga, doll shoes at- nevermind. Saan ko ba nailagay yun?" Sabi ko sa sarili ko at bigla akong natigil sa paghahanap.

Naalala ko na.

Nasa kotse ni Luhan.

"Nahanap mo na?" Tanong sakin ni In Ho at napatingin ako sakanya.

"Hindi. Hindi ko na makikita ulit yun." Sabi ko kay In Ho.

"Huh?" Tanong ni In Ho sakin.

"Wala." Sabi ko at yumuko nalang ulit ako at naiyak. Inisip ko nalang, may mga bagay na naiwan ako para kahit papano maalala ako ni Luhan.

"Tara na." Sabi ni Chanyeol samin at pinunasan ko yung luha ko tapos tumayo na ko.

Nilabas ko yung passport ko at boarding pass ko para ipakita dun sa stewardess na nasa harap namin ngayon.

"Ahjumma? Are you crying?" Biglang sumulpot si Man Se sa tabi ko.

"No. I am not." Sabi ko sakanya.

"Man Se, come here. Ahjumma is tired. Just talk to her later." Sabi ni In Ho at binuhat niya si Man Se.

Pumasok na kami sa eroplano at tinignan namin kung saan yung seat no. namin.

Nung nahanap ko na yung akin, umupo na ako. Nasa tabi ako ng bintana pero katabi ko din si Chanyeol. -_-

Seriously, who booked our flight?!

"Ikaw nag-book ng flight?" Mataray kong tanong sakanya at hindi ko siya nilingon, nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Just Another Love Story. [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon