Chapter 14

160 13 6
                                    

Chapter 14

"Anak?" Biglang pumasok sa kwarto si mama habang ako nandito nagmumukmok.

"Ma. Ikaw pala, pasok ka." Sabi ko kay mama at pinuntahan ko siya sa pinto at pinaupo ko siya sa sofa ko dito sa kwarto.

"Bakit ka nandito ma?" Tanong ko sakanya at umupo ako sa tabi niya.

"Because I wanted to talk to you." Sabi niya sakin at hinawakan niya yung kamay ko.

Alam ko na kung ano yung gusto niyang pagusapan, yung tungkol kay Man Se. Alam kong gusto niyang tulungan ko sila pero hindi ko padin alam sa sarili ko kung papayag ba ako o hindi.

"Ahhhh. I haven't though about it yet ma. Magulo pa isip ko." Sabi ko kay mama at bumitaw ako sa paghawak ng kamay niya.

"I know it's hard for you anak. Pero kung pumayag ka lang, after ng operation pwede ka ng bumalik dito." Sabi ni mama.

"I can't do that ma. Konsensya ko nalang pag ginawa ko yun." Sabi ko kay mama at napatayo na ko. Kasi sa totoo lang sobrang gulong-gulo ako ngayon.

"So ano ng plano mo?" Sabi ni mama. Pero hindi siya nagagalit o nagtataray sakin. She was just asking me gently.

"I don't know ma. Uhm, if you don't mind, I'd like to be alone for a while." Sabi ko kay mama.

"Okay." Sabi niya at tumayo siya tapos niyakap niya ko ng mahigpit at lumabas na siya ng kwarto.

Napahiga ako sa kama ko paglabas ni mama, hindi ko alam gagawin ko. Hindi to pwede malaman ni Luhan dahil sasabihan niya kong sumama ako kay Chanyeol.

Pano ko nalaman?

Kasi mapagbigay na tao si Luhan. Basta para sa makakabuti gagawin niya yun, kahit mawala pa ko sa tabi niya. Mabait kasi siya. At minsan ayoko ang pagiging mabait niya.

Pero hindi ko dapat isipin to ngayon, halos kakaayos lang namin magkakahiwalay na naman kami? Grabe naman po. Para namang pinapamukha samin na hindi kami para sa isa't-isa.

Ang tanong, para nga ba kami sa isa't-isa?

*twit twit*

1 message received.

Fr: My Girl.
"Good evening naman po sa napakagandang babae sa mundo."

Si Lu Han yan, pinalitan ko pangalan niya. Gwapo kasi sobra, tapos sa sobrang kagwapuhan nag mukha ng babae. HAHAHAHAHA.

Re:
"Good evening po. Mwa."

Fr:
"Hindi ka pa ba pagod?"

Re:
"Hindi pa naman. Y?"

Fr:
"Kanina ka pa tumatakbo sa isip ko eh."

Corny, lumang joke na. Tssss.

Re:
"Ha ha."

Fr:
"AMININ KINILIG KA."

Aba! Bistado ako dun ah. Oo na ako na kinilig. :"> Alam kong matagal ng banat 'yun, pero hindi ko mapigilan sarili ko sa kilig.

Re:
"Sige na nga. Baka di ka makatulog eh."

Kunyari di ako masyado affected, pero kinikilig po ako. Inaamin ko na. Hehehehe.

Fr:
"Wag mo na deny. Halata ka naman eh."

Huh? Halata? Napatingin ako agad sa paligid ko. May camera ba dito na tinago ni Luhan para makita ginagawa ko ngayon?

Fr:
"Tingin ka pa sa paligid nasa balcony mo lang ako."

Biglang may bato na tumunog sa bintana ko sa balcony. Pagtingin ko, si Luhan nga. Anak ng tipaklong, anong ginagawa nito dito? Gabi na.

Just Another Love Story. [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon