Chapter 18
"Ate?" Tumaas yung balahibo ko bigla. May kumalabit at tumawag kasi sakin eh.
"What?" Si In Ho lang pala 'to. Tumuloy ako sa paglalakad at hindi ko siya pinansin. Binilisan ko yung lakad ko dahil gusto ko pang makalayo dito.
Pumunta ako agad sa parking at binuksan ko yung kotse ko. I'll drive far far far far away from here. I don't have any place to go, I'll just drive and i'll try to forget the problem that I am facing right now.
Nag-start na ko ng kotse at nag-drive palabas ng school. Hindi ko alam kung saan ang destinasyon ko basta magda-drive lang muna ako.
Bakit ba kasi nangyari pa 'to sakin. Ang sakit sakit sobra. Hindi ko naman inakala na mangyayari yung ganito. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Kung dapat ba ko sumama kila Man Se o sasamahan ko si Luhan dito habangbuhay.
Bakit kasi kung kailan masaya na ang lahat, may mga bagay na bigla-biglang naninira. Masakit sa pakiramdam na alam mo na kung saan ka nakalugar pero biglang sisirain lang ng isang tao.
Hindi ko naman deserve mahirapan ng ganito. Ano bang ginawa ko? Ako na nga 'tong nasaktan, naging mabait, at naging selfless ako. Pero ako padin ang napaparusahan ng ganito.
Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong gawin.
Aalis na ba ako dito para samahan ang isang bata na konsensya ko nalang pag namatay? Pag sumama ako sakanila ibig sabihin babalikan ko na si Chanyeol.
O
Pwede naman ako magpaiwan- o kaya tumakas kasama si Luhan para hindi ako makaalis kasama sila Man Se. Gusto kong makasama si Luhan, habangbuhay.
Nakikita ko yung daan at unti-unting bumabalik sakin ang ala-ala. Itong daan na to ay papunta sa isang lugar na lagi kong pinagtataguan pag ayaw kong makita ako ng mga tao na isa akong mahinang tao.
Isang lugar kung saan ko iniiyak lahat kapag sobrang sakit na at hindi ko na kaya.
Pinark ko yung kotse at bumaba agad ako. Itong lugar na 'to para siyang abandoned park pero hindi siya creepy. Maliit din kasi tong park na to kaya hindi tinatao.
Pano ko nahanap to?
Sa sobrang sakit ng pakiramdam ko nung iniwan ako ni Chanyeol naghanap ako ng naghanap ng lugar kung saan pwede magtago at ilabas lahat ng sama ng loob ko.
Tawag ko dito, 'the lonely park', halos alam ng park na to lahat ng sakit na naramdaman ko dati. It's been almost 2 years since I last went here. Natatandaan ko pa yung huling punta ko dito, sabi ko,
'Kakalimutan ko na si Chanyeol! I'll move on and live my life to the fullest!'
Sinigaw ko yun dito at isinulat ko din sa bench yun dito. Pinuntahan ko yung bench na pinagsulatan ko at umupo ako dun. Tinignan ko kung nandun pa din yung sinulat ko at-
nandito pa nga din...
At hindi ko akalain na babalik ako dito na siya padin ang problema ko. Kaso mas malala ngayon kasi dalawa na silang pinoproblema ko.
Si Luhan at Chanyeol.
How come it's so hard for me to choose now? Eh sabi nga sakin ni mama dati na napakagaling ko daw when it comes to choices. Eh bakit ngayon sobrang hirap na hirap ako?
"오랜마니야." (오랜마니야-oraenmaniya, it's been a long time). Biglang may nagsalita sa likod ko at tinayuan na naman ako ng balahibo.
Tinignan ko kung sino yung nagsalita at, "Sica." Nagulat ako kasi pano nalaman ni Sica na nandito ako at pano niya nalaman 'tong lugar na to.
BINABASA MO ANG
Just Another Love Story. [EXO FANFIC]
FanfictionChoi Sooyoung, an ordinary girl who have found her first love which she thought that he was his true love, but she was wrong. So she decided to move on and found a better guy. Will she prove that this guy is the one for her and their story will not...