Chapter 19

170 9 0
                                    

Chapter 19

Nandito na ko sa bahay ngayon, kakadating ko lang galing sa park na pinuntahan namin ni Jessica.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto si mama agad yung sumalubong sakin. Nakatingin siya sakin ng parang gulat na gulat siya at hindi niya ko inaasahang umuwi agad.

"Aga mo ata?" Tanong niya sakin.

"Aga ka dyan ma? Wala na nga kaming ginagawa sa school eh. Patapos na din ako sa clearance ko, registrar nalang kulang." Sabi ko kay mama at nagtanggal na agad ako ng sapatos.

"Okay." Sabi ni mama at naglakad na siya papuntang kusina. Sinundan ko siya at dumerecho ako sa tapat ng ref namin para maghanap ng pagkain.

May nakita akong isang gallon ng ice cream! Strawberry pa! Kinuha ko agad tapos nilagay ko sa lamesa at kumuha ako ng kutsara.

"할머니." Biglang may batang sumulpot, si Man Se pala. Parang kakagising niya lang kasi kinukuskos niya pa yung mata niya eh. (할머니- halmeoni, lola).

"Man Se-ah! You're up? Sit here. I'll prepare something for you." Sabi ni mama sakanya at binuhat siya ni mama tapos pinaupo sa tabi ko.

Nakalimutan ko, dito pala natutulog si Chanyeol. Ewan ko ba dito kay mama at dito pa sila pinapatulog. Pwede namang hindi dito matulog tapos pumunta nalang kung kailan nila gusto. Hay.

"You want some?" Tanong ko kay Man Se at pinakita ko sakanya yung ice cream.

Nanlaki ang mata niya at tumango lang siya. Kumuha ako ng bagong kutsara at inabot ko kay Man Se para makakain siya. "와! 진짜 맛있겠다!" Sabi ni Man Se after niya makakain ng isang kutsara ng ice cream. (와! 진짜 맛있겠다.- wa! Jinjja masigetda, wow! It's really delicious!)

"Of course! It's strawberry flavor, so it's really delicious." Sabi ko sakanya tapos sabay kaming kumuha ng ice cream at kumain.

"Drink this too. It's a perfect combination with ice cream." Sabi ni mama kay Man Se tapos umupo siya sa tapat naming dalawa.

"이거 뭐에요 할머니?" Tanong ni Man Se kay mama at kinuha niya yung baso na inabot sakanya ni mama. (-igeo mwoya halmeoni?, what is this lola?)

"아! 이거는 우유에, yogurt 우유." Sabi ni mama sakanya at nag-smile pa siya kay Man Se para inumin talaga ni Man Se yung yogurt milk. (-ah! Igeoneun uyu-e, yogurt uyu, ah! This is milk, yogurt milk.)

"Ah! Okay." Sabi ni Man Se at ininom niya naman tapos nag-okay sign siya kay mama, si mama naman todo smile. I miss seeing her smile.

"Gusto mo rin ba?" Biglang tanong sakin ni mama.

"Huh? No. It's fine." Sabi ko at kumain nalang ulit ako ng ice cream.

"Eh bakit ganyan ka makatingin sakin?" Tanong sakin ni mama.

"Tingin ka diyan. Ilusyunada ka talaga ma." Sabi ko at hindi ko na siya tinignan ulit at kumain nalang ako mg ice cream.

Bumukas yung pinto, ibig sabihin may dumating,

I hope it's not him.

"I can smell ice cream from here."

I know that voice, it's Luhan's.

Tumingin agad ako kung saan nanggaling yung boses at nakita ko siya, si Luhan nga. Nag-smile siya sakin at nag-smile din ako.

Oh noes.

Si Man Se, makikita niya.

Nawala bigla yung smile ko at tumingin ulit ako sa ice cream at kumain. "Luhan, you're here." Sabi ni mama na medyo nagmamadali at natataranta kasi wala na, nandito na si Luhan, hindi niya na matatago si Man Se.

Just Another Love Story. [EXO FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon