Chapter 14 (Korea?)

389 12 1
                                    

1 Week Ago..

Jungkook POV

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung naging kami. at 2 weeks na lang uuwi na kami sa mga dorm namin. Sa totoo nga lang ayoko nang umalis dito eh, mas gusto kong kasama ko si Chorong sa iisang bahay. 

*bzzzz bzzzz* 
Napatayo ako sa hinihigaan ko ng mag vibrate 'yong phone ko. Kinuha ko 'to at tinignan kung sino ang tumatawag. Biglang kumunot 'yong noo ko ng malaman kong si mama ang tumatawag. Agad kong sinagot 'yon. 

"Hello ma?" panimula ko.

[Anak, kumusta ka na diyan? May sasabihin nga pala ako sa'yo] 

"Ayos lang naman po ako dito, ano po bang sasabihin ninyo?" 

[Iho, bumalik ka na dito bukas ng umaga. May mahalagang sasabihin sayo ang papa mo.] kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama. 

"Pero ma, bakit hindi niyo nalang sabihin ngayon?"

[Iho, pag sinabi ko susundin mo okay? mahalaga 'yon kaya kelangan umuwi ka na dito. Bukas ng umaga hihintayin ka namin ng papa mo.] 

"Pero--" 

[No buts anak. Sige na ibababa ko na 'to. Ingat kayo diyan.] 

*toot* *toot* *toot* 

Gaano ba kahalaga 'yon? Kelangan ko ba talagang umuwi bukas na bukas? Naguguluhan ako sa pagsalita ni mama. Ano bang problema? 

Chorong POV


Kakagising ko lang, hapon na pala napasarap yata tulog ko. Bumaba ako ng hagdan at nakita kong kumakain silang lahat. 

"Unnie kain ka na, ang sarap na tulog mo kaya hindi ka namin ginigising eh" yaya ni Hayoung 

Umupo ako sa tabi ni Jungkook, pansin ko lang ang tahimik niya. 

"May problema ba? bakit parang ang tahimik mo?" tanong ko. lahat naman sila nakatingin kay Jungkook at parang nagtatanong din kung ano nga ba ang dahilan ng pag katahimik nito. 

"Kase... kanina tumawag 'yong mama ko, pinapauwi na ako saamin dahil may mahalaga daw sasabihin saakin si papa." sagot nito. 

Lumungkot bigla ang mukha ko sa narinig ko. Mahalaga ba talaga 'yon? 

"Sige, uuwi na tayo bukas ng umaga, mukhang mahalaga ang sasabihin ng papa mo Jungkook, kelangan mong pumunta 'don" sabi ni Namjoon. Napatango nalang ang iba. Pero sakin ayoko pang umuwi dahil gusto ko pang makasama sila sa iisang bahay lalo na ang taong mahal ko. 

------

Gabi na, nagiimpake na kami ng gamit namin. Naiinis ako bakit kelangan ngayon pa? ngayon pang gusto ko na siyang makasama araw araw, oras oras, minu-minuto. 

I sighed ng matapos kong ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko kinakausap si Jungkook, tahimik lang ako. 

"Ayos ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo? Bakit parang ang lungkot mo?" pagtatanong ni Jungkook na abala sa pag-aayos ng gamit niya. 

"Ayos lang ako." yan lang ang naisagot ko. 

Niyakap niya ako at nagsalita "Wag ka ng malungkot okay? Lagi nalang kitang pupuntahan sa dorm niyo." 

Tango na lang ang tanging naisagot ko. Okay naman sakin 'yon kaso mas gusto kong kasama ko siya sa iisang bahay. 

-----------

Jungkook POV

Gabi na, matutulog na kami dahil maaga pa kame bukas aalis. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung ano kaya yung mahalagang sasabihin ni papa saakin. 

zzzzzzzzzzzzzzzz

------------------

Andito na kami sa bus, medyo malayo pa kaya natutulog na 'yong iba. 

Naramdaman kong bumagsak ang ulo ni Chorong sa balikat ko, nakatulog na siya. Pinatong ko 'yong ulo ko sa ulo niya. Hanggang sa nakatulog na ako. 

----------

"Nandito na tayo. Gising na" paggising ni Katherine samin. 

Bumaba na ako at nagpaalam sakanilang lahat. Sumakay ako sa tricycle, nang makarating na ako sa tapat ng mansion namin ay bumaba na ako at nagbayad. Hindi ko kasi dala yung kotse ko kaya nag tricycle ako. Pagpasok ko sa mansion namin agad kong nakita si mama at papa na nakaupo sa sala. Halatang hinihintay nila ako. 

"Ma, pa ano po ba yung mahalaga nyong sasabihin saken?" tanong ko.

"Iho, alam kong minadali ko to pero.... sa susunod na linggo na ang flight mo papuntang Korea, dun ka na mag-aaral for 1 year." sagot ni papa na kinagulat ko. 

"Pero pa! bakit naman dun pa? Masaya na ako dito, paano na 'yong mga kaibigan ko dito?" 

"Kaya nga sa susunod na linggo pa ang flight mo para may isang linggo ka pa para makapagpaalam sa mga kaibigan mo." 

"Pero pa! Ayokong umalis di---" 

"No buts anak. Kelangan mong pumunta don. Para to sa kompanya naten anak." 

"Puro nalang ba kumpanya iniisip ninyo? Mas inuuna niyo pa yang kumpanya nyo kesa sa anak niyo, mas gusto niyo pang hindi bumagsak ang kumpanya niyo kesa sa sumaya ang anak niyo!?" napasigaw na ako. Hindi pwede ayokong iwan si Chorong. 

"Anak! umakyat ka na sa kwarto mo!" utos ni mama. Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko. Nakakainis bakit ba lagi nalang nilang inuuna yung kumpanya namin? Pano na ko? Hindi ko pwedeng iwan ang mga kaibigan ko dito lalo na si Chorong. I love her, gagawin ko lahat para sakanya. Hinding hindi ko siya iiwan. 

-----------

Rapmon - Namjoon 

Vacation with BTS [Apink and BTS FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon