Sa bawat kwento may panimula,
Ngunit mayroon ding katapusan.
Sa bawat ngiti,
May lungkot na naka-kubli.
Sa bawat tuwa,
Ay may kalakip na pighati.
At sa bawat magandang bagay,
May masamang kapalit.
___________________________
Andito ako sa kwarto ko, pinipigilang lumabas ang bawat hikbi dahil sa pighating aking nadarama.
Kailan lang nang mabalitaan kong namatay si papa na nasa abroad, inatake raw ito sa puso.
Si papa ang nakasama ko simula pa lang noong bata pa ako, siya ang nag palaki sa'kin dahil iniwan kami ni mama.
Ngunit bumalik rin ulit siya sa'min kaya napag desisyunan ni papa na mangibang-bansa para matugunan lahat ng pangangailangan namin.
Gabi-gabi kong iniisip na sana hindi nalang bumalik si mama, pero mali 'yon. Sa bawat gabing ako'y nag dadalamhati si mama ang karamay ko.
Ngunit ngayon, mag isa nalang ako. Iniwan na rin niya ako, wala akong kapatid o kamag-anak dito sa lugar namin dahil pinili naming lumayo sa lahat.
_________________________
Naka-upo ako sa tapat ng bintana, nakatitig sa kalangitan at dinadasal na sana, sana maibalik pa sila, sana panaginip lang 'to at sana hindi nalang kami nabuo.
Huling burol ngayon ni mama at tanging mga kapitbahay lang namin ang pumupunta.
Ang makita siyang nakahiga't namamahinga ay kinatutuwa ko ngunit ang iwan niya ako ng mag isa ay masakit para sa'kin.
Ilang taon akong nangulila at ngayon patuloy akong mangungulila. Nasira lahat ng pangarap ko, ang buhay na gusto ko kasama sila.
________________________
Nang mailibing si mama, sarili ko nalang ang kaagapay ko. Ang magandang mansyon ay nag mistulang lumang establimento.
Walang wala na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tatapusin ko nalamang ang pag hihirap at susunod sa kanila.
San hindi ako mag kamali sa desisyon ko.
Paalam.
END.
BINABASA MO ANG
Compilation Of Short Stories
RandomEvery story has its own insanity, Every letter has its own madness, Careful for it might happen, My pen will bleed to write your destiny.
