ENTRY 60

1 0 0
                                    

Isa akong manunulat,

hindi kilala, hindi sikat.

Mambabasa ko'y aking minamahal,

Hindi lang obra ko pati ako'y kanilang mahal.

Malaki ang pasasalamat,

Sa mga mambabasang tapat.

__________________________

Kasalukuyan akong nag s-scroll sa facebook, nag iisip ng plot para sa bagong kwento nang biglang may mag add sa akin.

Tinignan ko ang acc nito at nabatid kong isa rin siyang manunulat, ngunit di tulad ko siya'y sikat.

Binasa ko ang kaniyang mga gawa at inaamin kong magaling talaga siya, ngunit isang katangian ang hindi ko napusuan sakaniya.

Malaki ang ulo't mayabang.

"Wala na akong mambabasa"

1.5k react       246 comments

Nakakapag takang nagawa niyang mag post ng ganitong bagay, napakarami nitong mambabasa kitang kita sa bawat react at comment sa mga kwentong pinopost niya.

Tinignan ko ang mga comment at kita kong suportado talaga siya, ngunit kahit isa'y wala siyang nireact-an o nireplyan man lang.

Tinignan ko lahat ng post niya, ganoon din. Tila walang pake at walang balak mag pasalamat sa mga sumusuporta sa kaniya, hindi pa nakuntento sa mga mambabasang meron siya samantalang ako ay kakaunti lamang.

Agad ko itong chinat at tinanong kung asaan siya't ano ang ginagawa niya. Sinabi naman niya kaagad ito ng walang pag aalinlangan.

___________________________

Tanaw na tanaw ko siya mula sa malayo, hinihintay ako.

"Oy" sigaw ko dahilan para mapatingin siya.

"Maria" magiliw na saad nito at ngumit habang lumalapit sa akin.

"Sisa nga, hindi Maria." Magiliw kong saad.

"Bat mo nga pala ako pinapunta rito? Gabing gabi na ah" saad nito at inilibot ang tingin sa parkeng kaming dalawa lang ang tao.

"Gusto ko kaseng ibigay sayo to, pinrint ko lahat ng certificates na natanggap mo. Andami ha HAHAHA" saad ko.

" Marami ba yan?  Halos nasa singkwenta lang yan eh." Giit nito.

" Ang demanding mo naman" saad ko at agad na sinungalngal ang mga certificates sakanya.

"Ikaw na nga itong sinusuportahan nila, ang demanding mo pa!"

Sigaw ko habang pinag sasasampal siya, wala itong magawa dahil nakadagan ako habang ang isang kamay ko'y sinusungalngal ang mga papel sa bibig niya.

"Hindi ka man lang nag papasalamat sa mga sumusuporta sayo! Tsk akala mo naman ay sikat sa buong bansa" saad ko at agad na ginilitan siya sa leeg.

Iniwan ko siyang naliligo sa sarili niyang dugo roon at umuwi. Paniguradong masarap ang tulog ko dahil wala ng bumabagabag sa utak ko.

~SiSa

This is requested by someone, nakalimutan ko pangalan nila basta nakita ko post nila.

Co-writers! Famous or underrated.

We should be thankful to our readers, alam kong mahirap ang mag sulat ng kwento kaya balewala lahat nang iyan kung walang mambabasa.

Libo, isang daan, sampo o kahit isa lang ang mambabasa naten kailangan ay mag pasalamat tayo, wag na kayong mag demand, antay antay din.

Kaya nga hindi naaalis sa mindset ng ibang readers na "ah writer to nakakahiyang i-chat" tapos kapag napansin sobrang saya nila. Iniidolo nila kayo/tayo sa mga gawa niyo/naten kaya sana ma-appreciate din niyo/naten sila gaya ng ginagawa nila.

Compilation Of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon