Walking alone in darkness,
feeling sadness and pain,
suffering and longing for someone's care and love,
bothered by the different thoughts for what I did last night.
__________________________________
"Pst! Miss Guzman! Mag isa ka nanaman? Halika hatid na kita sa bahay niyo" saad ng prof ko sa physics.
"Hindi na sir, kay ako na pong umuwi" saad ko at nag lakad ng mabilis para hindi ako masundan.
Nang makarating ako sa bar, kaagad akong nag tungo sa rest room upang makapag-palit ng damit.
Nag p-part time ako dito bilang isang waitress, scholar ako sa school namin kaya kailangan kong mag trabaho para sa sarili ko.
Si papa hindi na umuwi't tumawag o nag paramdam manlang pag katapos ng ilang taon siyang asa Dubai.
Si mama ay namatay noong isinilang niya ako nakatira ako sa tiyahin kong bungangera kaya't ayokong maging pabigat at sa huli ay susumbatan ako nito.
Nang makalabas ako kaagad na may tumawag sa akin.
Sa unti-unting pag-lapit kaniyang mukha'y nasisilayan, nahulog ang tray na may lamang inumin dala ng pag ka-gulat.
"S-sir?" Saad ko at agad na yumuko, paniguradong iba ang iisipin nito.
"Nag aaral sa magandang paaralan, tapos nag tatrabaho sa bar. Great miss Guzman." Saad nito at agad na ngumisi.
_____________________________________
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng prof ko. Pinatawag ako nito sa office niya kaya't nag madali ako.
Pag pasok ko'y siya agad ang bumungad sa akin.
Hawak sa braso, hawak sa pisngi, hawak sa leeg at hawak sa bewang ang kaniyang ginawa na unti-unting nag pabagsak ng luha ko. Sinabing hindi masisira ang pangalan at dignidad ko, kapalit ng ninanais nito.
Halik doon, halik dito, hindi na mabilang kung ilang beses na niyang ginawa ito. Araw araw ay nagdurusa kaya ngayon ako'y sumusuko na.
Tinusok ang mata, sinampal ng malakas. Isinara ko ng mabuti ang pintuan at agad na dumampot ng kahit ano.
Inihampas sa kaniya ang isang upuan, hanggang sa mawalan ito ng hininga.
Dugo'y rumaragasa habang ako'y natutuwa.
Umiyak hanggang sa matapos, kasunod sariling buhay ay tinapos.

BINABASA MO ANG
Compilation Of Short Stories
SonstigesEvery story has its own insanity, Every letter has its own madness, Careful for it might happen, My pen will bleed to write your destiny.