Part 1
Each of us has bad sides,
an angel can turn into demon
you wish you'll never encounter.
The good girl can be a bad girl.
And the bad girl can sacrifice
even it is not worth it.
_____________________________
"Congrats Maria, ikaw nanaman ang rank 1"
"Congratulations!"
"Keep it up, malayo mararating mo"
Iilan lang yan sa mga papuring ibinibigay nila sa kakambal ko.
Nangunguna nanaman siya sa aming klase habang ako ang pumapangalawa, ngunit wala kahit isa ang pumuri sa akin at sanay na ako roon.
Pag uwi, kaagad akong sinalubong ng yakap at halik nila mama't papa siyempre hindi mag papahuli si kuya.
"Alam mo SiSa may inihanda kami para sainyo sa loob, congrats mga anak!" Magiliw na saad ni mama.
"Hayy bilisan na at gutom na ako" reklamo ni kuya at agad akong tinangay sa kusina.
Ito ang pinag kaiba namin ni ate, bagama't maraming ibang tao ang may gusto kaniya dahil sa pagiging mabait, matalino, makadiyos at masunurin hindi naman ito napapansin nila mama at yun ang ayaw ko sakaniya.
Napaka lapit niya sa ibang tao ngunit mailap naman ito sa amin. Tuwing umaalis kami parati lamang itong nag papa-iwan at nadatdatnan nalang namin itong nag darasal.
"Bilisan niyong kumain kambal, may ibibigay kame sa inyo" saad ng nakangiting si papa.
Pag katapos kumain ay dumiretso kame sa kwarto namin.
"Ate Sisa, itutuloy mo ba ang balak mo kela mama?" Tanong ni Maria.
"Oo naman Maria, gagawin ko yun para sa ikakasaya mo" naka-ngiting saad ko.
Binigyan ako ng kotse ni papa habang bibliya at rosario naman kay Maria.
_____________________________
Tanaw na tanaw ko mula rito sa kinatatayuan ko kung gaano kasaya sila Maria kasama ang pamilya namin.
Nang gabing umalis sila mama at papa nangyare ang bagay lubusan kong pinag-sisihan.
Pag uwi nila nadatnan nilang duguan si Maria at puno ng galos habang hawak ko ang isang kutsilyo.
Inalalayan nila ito at dinala sa hospital habang ako'y naguguluhan parin sa mga nangyayari.
Inutusan lamang ako ni Maria na ipagluto sila mama na siyang matagal na naming binabalak dahil anibersaryo nila at sasabihing si Maria ang nag luto't hindi ako.
Kasalukuyan akong nag hihiwa ng marinig ko ang sigaw ni Maria kasabay ng pag dating nila mama kaya agad ko itong tinungo laking gulat na puno ito ng galos.
Ako ang pinag bintangan nila mama, simula noon lahat ay nag bago. Kaya't pinili kong lisanin ang mundong puno ng pang huhusga.
BINABASA MO ANG
Compilation Of Short Stories
RandomEvery story has its own insanity, Every letter has its own madness, Careful for it might happen, My pen will bleed to write your destiny.
