ENTRY 57

4 0 0
                                        

It's hard to let go of the past.

It's hard to accept the reality.

Never do move on,

unless I'm done with my revenge.

____________________________

Mula sa pinag-tataguan ko, binaril ko ang ulo ni mama tapos kay papa at lumabas mula sa likod ng puno.

"Talagang pina-abot mo pa ng 3 buwan? Ate MARIA?" saad ni Sisa.

Oo, nag ka-palit kami. Matagal na namen itong pinag-planuhan. Si Sisa ang paborito ng lahat dahil sa kabaitan nito, habang ako naman ay inaayawan ng lahat.

Gustong gusto nila mama kay Sisa dahil alam nilang malaki ang maitutulong niya sa pamilya lalo na't matalino talaga siya.

Kaya nang malaman nila mama na pumapangalawa lamang siya, todo suporta parin sila. Lingid sa kanilang kaalaman na ako na si Sisa, hindi nila nalaman o napansin man lang na nag kapalit na kame.

"Sisa, paki sarado yung gate. Dito nalang ako sa labas" mahinahon kong saad kay Sisa.

" Ate Maria, diko parin kayang paniwalaan na nagawa mo 'to pero naiintindihan kita. Makaka-asa kang susuporta ako sayo sa lahat ng bagay." Saad nito kaya't napangiti ako.

Totoong mailap si Sisa sa mga tao, kaya napapyag ko siya sa plano kong ito. Habang ako naman ay maraming kaibigan, ngunit nakakasawang mamuhay nang walang magulang na susuporta sayo.

Flashbacks...

"Maria, mag sisimba kami ayaw mo bang sumama?" Tanong ni mama sa'kin.

" Dito nalang po ako, paki-bilhan nalang po ako ng kahit anong makakain sa labas. " Saad ko.

" Hmm sige" huling wika nito bago umalis.

___________________________

" Ate! Binilhan akong bagong damit nila mama! Gusto mo ba? Pili ka dyan marami naman yan" sabi ni Sisa.

" Sayo yan, isa pa baka magalit sila mama. " Giit ko.

____________________________

Noong di pa kame nakakapag palit;

" Ano ba yan Maria! Palagi nalang bagsak ang grado mo! Bakit hindi ka tumulad sa kapatid mo ha! Mabuti pa ililipat kita sa paaralang pinapasukan niya"

Nang nag-palit kami;

" Sisa, mag aral kang mabuti. Alam kong matalino ka di tulad kay Maria tiwala kami sayo"

Noon;

" Maria umuwi ka ng maaga mamaya aalis kame nila papa mo kasama si Sisa. "

" May gagawin po kaming project. "

" Pag sinabi kong umuwi ka ng maaga umuwi ka! "

Ngayon;

" Ma , madidis-orad po ako. Marami po kaming proyekto. "

" Ayos lang Sisa, basta pag butihin mo ang pag aaral mo. "

_________________________

Hindi ko kailangan ng atensyon galing sa iba't-ibang tao.

Hindi ko kailangan ng suporta mula sa hindi ko kakilala.

Hindi ko kailangan ang pag mamahal ng iba.

Pamilya lamang ang hanap ko.

Ngunit ito'y pinag kakait niyo.

__________________________

Nang makapasok si Sisa ay ka-agad kong kinuha ang mga mata nila mama't papa.

"Hindi ko gagawin ito kung nakita niyo ang halaga't pag papagod ko para sainyo." Saad ko habang sinisipsip ang mata nila.

Pinutulan ko ng dila si mama't pina-inom ng acid.

" Nakakasawa, masakit, ayoko ng marinig ang panlalait mo"  sabi ko habang nilalagyan ng dugo ang dila nito at nginuya.

Naisipan kong sunugin nalamang sila kasama ng kapatid kong si Sisa sa loob.

"Patawad Sisa, hindi ko kakayaning mabuhay ng may ka-compitensya. Salamat sa pag unawa't pag tulong sa akin" saad ko bago lisanin ang tirahan naming unti-unti nang tinutupok ng sunog.

Compilation Of Short StoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon