Entry 9

8 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nag lalakad sa park dito malapit sa amin, di ko lang alam kung bakit ang sama ng tingin sakin ng mga tao.

Nakakatakot yung mga titig nila, kung nakakamatay yun malamang napuno nako ng saksak dito.

Umupo ako sa isang bench at nag simulang umiyak, di ko alam pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko.

May nakita akong nag abot ng panyo sa akin kaya napatayo ako at tinanggap yun, "salamat" wika ko at bahagyan ngumiti.

Ngunit bigla ring sumama ang tingin niya sa akin, "alam mo kung may problema ka pwede mo ak---- AAAAAHHHHHHHHHHH ANG MATA KO!!!!" sigaw nito bigla.

Dinukot ko kase ang mata niya, grabe kase siya makatingin wala naman akong ginagawa. Ayaw niya siguro yung printed shirt ko, kill me kasi ang naksaad rito. Umiyak lang ako ng umiyak habang hinahabol ang mga batang nakatingin ng masama sa akin at para bang takot na takot.

Lahat ng nahahawakan ko inaalisan ko ng mata ayokong makita ang mata nila ayoko!

Nakikita ko kung papano ako titigan ni papa at ni kuya nang gabing 'yon, binaboy nila ako! Kaya inalisan ko rin sila ng mata gaya ni mama na laging nakatitig ng masama sakin.

Siguro hindi dapat ako naliligo ng dugo, baka sakaling luminis yung pag katao't paraan ng pag titig nila sakin.

Compilation Of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon