Ayoko sa lahat 'yong kinukumpara't minamaliit ako. Mabilis kase uminit ang ulo ko, kaya nakaka-panakit ako.
Naalala ko tuloy noong inasar ako ni mama na walang utak. Ikinumpara pa ako sa ate ko, kaya kumuha ako ng martilyo saka ipinukpok sa ulo ng ate ko, tapos ay kinain ko ang utak.
Ilang araw nawawala si ate, lingid sa kaalaman nilang siya 'yong inulam namin ng ilang araw. Naging maayos din ang pag aaral ko't di nag tagal naging proud si mama sakin.
Pero hinahanap-hanap na ng sikmura ko 'yong laman ng tao, naubos na kase namin si ate. Kaya isinunod ko ang bunso kong kapatid, total ang sabi ni mama wala siyang kwenta. At least sa ganoong paraan may naitulong siya samin.
Mabilis naman na-ubos si bunso, sabi ni mama malambot daw ang laman niya kaya todo siya sa pag luluto. Ilang araw din namin hinanap si bunso, pero di na nakita bumalik kase sa sinapupunan ni mama.
Grabe parang kailan lang ng mangyare ang lahat ng yun, ngayon dalawa na lang kame ni mama.
Pinatay kase niya si papa at ang kalaguyo nito nang makita niya 'yong dalawa sa kwarto ni ate. Nag mimilagro, kaya binigyan ko ng kutsilyo si mama. Milagro rin at kinaya niyang patayin ang dalawa e anlakas ni papa.
Mag kasama kami ni mama ngayon, nag lalakad lakad. Nagugutom na kase kami, ilang buwan na kaming pagala-gala pero di kami maka-tyempo.
Kakatok kami mamaya diyan sainyo, gutom na talaga kami. Bigyan niyo naman kami ng makakain.
BINABASA MO ANG
Compilation Of Short Stories
De TodoEvery story has its own insanity, Every letter has its own madness, Careful for it might happen, My pen will bleed to write your destiny.
