(Part 2)
Pinagpagan ko ang suot kong hospital gown at agad na nag palit ng damit. Eto na ang hinihintay ko, makakaalis na ako sa bwiset na asylum na to!
Kasalukuyan akong nag iisip ng may maramdaman akong humaplod sa akin, kaya napamulat kaagad ako.
"Sino ka? Damon ikaw ba yan?" Mahinang bulong ko.
Wala akong narinig na kahit anong sagot, ngunit biglang bumukas ang pintuan ng kinalalagyan ko.
Ngumiti ako nag simulang mag lakad palabas, sigawan ng mga baliw dito ang tanging naririnig ko't yapak ng aking mga paa.
________________________
"Alita? Pa-anong nandito k-ka?" Gulat na sagot ni Michelle.
"Hmm" sagot ko at tumango.
Nilibot ko ang buong kwarto niya't isinara ang bintana at pinto. Ramdam kong palapit na siya sa akin, kaya agad kong kinuha ang kutsilyo ko't agad siyang sinaksak.
Tinamaan ko siya sa ulo kaya agad itong natumba, hinila ko siya papuntang banyo upang walang maka-istorbo.
Sinindihan ko ang shower at inihiga siya sa sahig.
Dahan dahan kong inalis ang mga mata niya't agad na nginuya. Hindi rin nakalagpas ang kanyang dila, sinipsip ko ang dugong lumalabas sa mata niya at talagang natuwa ako pagka't mayroon pang utak at laman ng mata ang sumasama.
Kinuha ko namam ang cutter ko, dahil ayokong masira ang kutsilyo ko. Dahan dahan kong hiniwa ang leeg nito, ngunit napatigil ako dahil napaka tigas ng buto nito.
Ipupukpok kona sana ang leeg nito sa inidoro ng biglang may kumatok sa labas.
"Michelle!! Pag tapos mong maligo mag hugas kana ng plato!" Sigaw ng ina nito, ngunit di nalamang ako sumagot.
Nang maramdaman kong wala na ito, hinila ko ang buhok nito't paulit ulit na pinukpok ang leeg nito. Pero masyado siyang mabigat at kaunti lamang ang naitulong noon.
Lumabas ako sa kwarto at nag hanap ng pwedeng pamukpok. Wala akong makita tanging electric fan lang nito ang nakita ko, pwede na siguro to dahil matalim naman.
Bumalik ako sa banyo at agad na inumpisahan ang pag hiwa, pwede na to pero di maiwasang di ako masugatan.
Nang maihiwalay ko ang ulo nito inilagay ko sa supot na dala ko at agad na isinunod ang tyan niya.
Pag bukas ko palang kaagad na sumambulat ang mga laman loob niya, kinain ko nalamang ito.
Pagtapos ay nilagyan ko ng tubig at bubble bath ang tub nito't nilublob siya doon.
Lumabas ako ng walang kahirap-hirap sa bahay nila.
Sunod kana.
BINABASA MO ANG
Compilation Of Short Stories
RandomEvery story has its own insanity, Every letter has its own madness, Careful for it might happen, My pen will bleed to write your destiny.
