ENTRY 62

4 0 0
                                        

(Part 1)

Ako si Alita labing apat na taong gulang. Mahilig ako magbasa ng libro at magsulat.

Isa ako sa mga honor student sa aming klase ngunit isa ako sa pinakamumuhian nila.

Mahilig akong tumambay sa puno ng nara sa harap ng aming eskwelahan. Kilala lang ako ng aking mga kaklase pag sila ay may itatanong at ipapagawa sakin. Di ako makatanggi dahil gusto ko magkaroon ng kaibigan kahit isa man lang.

Kasalukuyan akong naka-admit sa isang hospital, tinutuloy ko ang sinusulat na libro tungkol sa aking mga kaklase at ginagawa nila sakin sa araw-araw unti-unti na akong nawawala saaking sarili dahil sa kanila.

Inakala ng lahat na ako'y nawawala na sa aking sarili, lingid sa kanilang kaalamang nag sisimula pa lamang ako sa aking pag hihiganti.

Flashbacks...

Tumakbo ako palayo sa puno ng nara, lahat sila'y sinisigaw ang katagang 'baliw'.

Narating ko ang isang madilim na pasilyo na tila ngayon ko lamang nakita, walang tao, walang kahit ano kun'di madilim at malamig na kwarto lamang.

"Alita, bakit hindi ka lumabas d'yan at patunayang ika'y hindi baliw" bulong ng isang di ko matukoy kung tao ba o ano dahil sa lalim ng boses nito.

"Sino ka? Asan ka?" Tanong ko sa kawalan.

"Hindi na 'yon mahalaga, sa ngayon kuhanin mo ang patalim sa likuran ng pinto. Isa isahin mo sila, mag higanti ka! Ilabas mo ang galit mo!" Sigaw nito pag tapos ay humalakhak nang pag kalakas-lakas, dahilan para ako'y mapa-upo sa takot.

Nang hindi ko na siya naririnig ay kinuha ko ang tinutukoy nitong kutsilyo sa likuran ng pinto at lumabas.

Ngunit sa pag labas ko, higit sa sampong studyante ang bumungad sa akin at pinag babato ako ng itlog, kamatis at bato.

Ramdam ko ang inis, galit at pag iinit ng katawan ko. Hindi ko napigilang sumigaw at tumitig sa kanila. Kita ko ang kaba at takot sa kanilang mga mata.

Nag sitakbuhan ang karamihan sakanila ngunit may tatlo pang naiwan.

Sinugod ko ito at inambahan ng saksak ngunit nakaiwas ang isa. Sinabunutan ko ito at agad na pinalipit ang leeg, nag simula nang tumakbo ang dalawa kaya hinayaan ko nalamang.

Hinila ko ang babaeng kasama ko papasok sa madilim na pasilyo, pinag sasasaksak ko ito. Nilabas ko lahat ng galit ko, sa hindi sinasadyang pag kakataon, tumalsik ang dugo nito sa loob ng bibig ko.

Hindi ko alam ngunit nagustuhan ko ang lasa nito, binuksan ko ang wasak wasak nitong tyan at agad na kinuha ang laman niya. Kinain na parang isang normal na pag kain.

Pag katapos ay pinugutan ko ito ng ulo't hinagis palabas.

End of flashbacks...

__________________________

Hanggang doon lamang ang naaalala ko sa kadahilanang nakuha ako ng mga pesteng nurse na to at dinala ako sa hospital ng mga baliw.

Gabi gabing hinahanap ng katawan ko ang pag patay at pag kain ng tao. Palagi rin akong kinakausap nung lalaking nakausap ko noon.

Sinasabing tutulungan akong tumakas dito't sasamahan ako sa pag hihiganti.

Compilation Of Short StoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon