ENTRY 71

1 0 0
                                    

"Bea, hmm meron akong binili kanina. Hindi ko alam kung magugustuhan mo pero ang cute kase so I didn't eat lunch just to buy this for you."Saad ko sa aking kasintahan at agad na isinuot ang isang bracelet sakaniya na kahalintulad ng akin.

"Sure ka Orange? eto na 'yon? Couple pa napaka baduy mo talaga" saad nito at tinawanan ako, kaya nakisabay nalang ako kahit na medyo nasaktan ako.

"Saan mo gusto pumunta?" tanong ko rito habang kami'y nag lalakad.

" Hmm umuwi nalang tayo, mag luluto si mama for dinner kasi uuwi yung insan ko galing province. " masayang saad nito kaya't agad kaming sumakay sa motor ko.

_________________________________

Nang makarating kami sakanila, hindi ko inaasahang marami rin palang kaibigan 'yong dalagang sinasabi ni Bea. Halos lahat sila'y may kaniya kaniyang ginagawa kaya naisipan kong tumulong na lamang sa loob para mag luto.

" Ma, wag mo naman sabihan ng ganiyang si Orange. Mabait siya't madaling kausap kaya makisama ka nalang. " dinig kong saad ni Bea.

" Alam mo, hindi ka aasenso sa lalaking yan. Tignan mo nga parang walang plano sa buhay. " giit ng kaniyang ina at tumingin sa direksyon ko.

" Kanina ka pa ba diyan Orange? " tanong ni Bea kaya agad akong umiling dahil kita ko ang kaba sa kaniyang mukha.

Mahirap lang ako, pero may pangarap ako.

" Ngayon ngayon lang, may maitutulong ba ako diyan?"

__________________________________

Ngayon ay hawak hawak ko si Bea habang nag hihingalo dahil sa mga saksak na nakuha niya mula sa akin.

" Paano nga ba tayo humantong sa ganito? " tanong ko't malakas na tumawa.

" Ahh oo nga pala, una hindi mo siya insan fiancé mo pala siya. " Saad ko't tumawa nang malakas habang mga luha ko'y di mapigilan.

" Pasensya kana kung hindi ko kayang ibigay lahat ng gusto mo. " sabi ko at agad siyang inihiga.

Dahil sa panghihina hindi na siya nakapan-laban. Inilabas ko ang isang kwintas at isinuot sa kaniya.

" Maganda ba? nagustuhan mo ba? " ngunit wala akong natanggap na sagot tanging kaniyang mga hikbi lamang.

" Maganda raw kase ang laman loob ng mama mo kaya ayan naibili ko yan, hindi ba matagal mo nang gusto 'yan." doon ay napatingin siya sa'kin nang may gakit at pandidiri.

" Bakit hindi ka sumagot? hindi mo ba nagustu---- HAHAHHAHAH wala ka nga palang dila sorry HAHAHAHHA. " sabi ko habang hinihiwa ang kaniyang tyan.

Inilabas ko ang bituka pati ang fetus sakaniyang tyan, ipinalupot ko ito sa kanitang leeg hanggang sa siya'y mangitim.

"Pasensya na, pati anak niyo nadamay ha. Ikaw naman kase, sabi ko sayo mabibigyan kita lahat ng gusto mo pati na apo na gusto ng mama mo pero hindi pa ngayon. " habilin ko dito at hinalikan ang kaniyang noo.

Nang imulat ko ang aking mata, nasa loob na ako ng isang sikat na mental hospital kasama ang aking kasintahan at anak nila na wala pang mukha.

Compilation Of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon