Wag naman ho sana kayong mag nakaw,
Baka bukas kinakain na kita.
_______________________
Hindi ko akalain na pati sa pag susulat magagawa nilang mag nakaw. Awa at pag kainis ang nararamdaman ko, wala ba silang sariling utak para mag isip ng kwento? Tsk tsk tsk
Pinapanood ko ang kaibigan kong patawa-tawa habang binabasa ang mga rants sakanya, yes kaibigan ko siya and nag nanakaw siya ng akda.
Patuloy ito sa pag tawa na tila ba sobrang natutuwa na naka-kuha siya ng atensyon sa maling paraan.
"Tignan mo besh! Gigil na gigil sila HAHAHA" saad nito sa akin.
"Ako rin" saad ko kaya napa-tingin 'to sa akin.
Kaagad ko siyang sinampal ng malakas dahilan para mapahiga siya sa kama ko. Hindi ko na kayang tiisin ang mga ginagawa niya tss.
Kinuha ko ang kutsilyo sa ilalim ng unan ko at agad siyang tinutukan na kinatawa niya.
Isinuksok ko yung phone niya sa bunganga niya at agad siyang itinali. Pinutol ko isa isa ang mga daliring maraming sala sa mundo ng pag susulat.
Inalis ko ang phone sa bibig niya at agad na isinubo sakanya ang sariling daliri nito. Sinabayan ko siya sa pag kain ngunit di tulad niya siya'y umiiyak sa sakit habang ako'y natutuwa.
Dinukutan ko siya ng mata dahil napaka talim ng titig nito sa akin, nginuya ko ito at inaamin kong masarap siya.
Kinalas ko ang tali nito at inupo, iniabot ko sakanya ang phone niya habang dinidilaan ko ang dugo sa mukha niya.
"Dali! Mag nakaw ka uli ng kwento" saad ko at lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Compilation Of Short Stories
RandomEvery story has its own insanity, Every letter has its own madness, Careful for it might happen, My pen will bleed to write your destiny.
