Seina's POV
Walang emosyon lang akong nakatingin sa harapan habang may hawak na ice bag sa sikmura ko.
Masama ang pakiramdam ko at naiinis ako.
Habang pinapahid ang ice bag sa sikmura ko ay salita naman ng salita ang katabi ko na hindi ko maintindihan kung ano.
Sumulyap ako sa kanya na masama ang tingin sakin.
"May ginagawa ka bang orasyon para hindi ka na magmukhang palaka?"tanong ko dito.
Nakarinig naman ako ng tawa sa paligid. Nandito kami ngayon sa dorm at nakaupo sa sala. Pagkatapos akong sikmurain ni Amber ay nagtungo kami dito ng makita nilang may pasa ako. Hindi naman kalakasan ang pagsuntok sakin ni Amber talaga lang na natamaan nya ang pasa ko kaya masakit ito.
"Sabi na ngang sorry diba?"inis na wika nya.
Tinaasan ko ito ng kilay. "At bakit?"
Napabuga sya ng hangin. "Ikaw kanina pa ako nagtitimpi sayo! Masasapak na talaga kita!"
"Tss."
Tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko ng hilain nya ako pabalik.
"Problema mo ba!"inis na sigaw ko dito.
"Nag uusap pa tayo!"
"Talaga naman!"
"Wag kang mamilosopo!"
"Hindi naman!"
"Sasapakin kita!"
"Edi gawin mo!"
"HOY TAMA NA!"rinig kong sigaw ni Thana at pinaghiwalay kaming dalawa. "Para kayong bata."
"Ah wag mo akong sisihin."bulong ko.
Tumingin ako sa sahig at iniisip na naman ang kung ano ba ang naging score ko kanina. Sigurado akong mababa yun.
Ano kayang mangyayari sakin kapag sa bronze ako napunta? Nakita ko si Anna na magaling na tinalo ang halimaw. Isa pala syang plant manipulator kaya ang galing lang. Nasa white zone sya, sana dun din ako--.
"Seina!"
Narinig kong sigaw ni Amber kaya agad kong itinapon sa kanya ang hawak kong ice bag.
"Wag ka ngang manggulat!"inis na sigaw ko sa kanya at nakita ko namang natamaan ang mukha nya.
Inis namang tumingin sakin. "Hindi ka naman kase nakikinig sakin-."
"Urusai!"sigaw ko at natahimik namaj sya na hindi maintindihan ang sinabi ko. "Kung nanghihi ka ng tawad sa ginawa mo sakin, wala kang kasalanan dun. Yung bwisit lang na nakalaban ko kanina ang may gawa nun."inis na sabi ko sa kanya.
Kanina ko pa sya naririnig na humihingi ng pasensya eh wala naman syang kasalanan--
Nakita ko na parang nagbabadya syang umiyak. Nataranta naman kami dahil alam kong hindi basta iyak yun kaya mabilis kong kinuha ang unan at itinakip sa mukha nya.
"Sht delikado!"sigaw ni Luther.
"Wahh ayaw kong masira ang tenga ko."wika ni Thana.
"Tumigil ka! Gusto mo ba kaming patayin sa sobrang ganda ng boses mo."okay, that's a lie.
Nakita ko naman na nawala ang hikbi nya. Bigla tuloy akong kinalibutan sa sinabi ko.
"T-Talaga? M-Maganda boses ko?"pupunas punas na tanong nya.
Tumingin naman ako sa kanila at nanghihingi ng tulong.
"Kaya mo yan Seina."bulong ni Kieran.
"Nandito kami para suportahan ka."wika naman ni Orpheus.
![](https://img.wattpad.com/cover/252566953-288-k443202.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
Fantasy(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...