CHAPTER 23

1.3K 63 1
                                    

Seina's POV

Nakaupo lang ako dito aa sofa habang nakikinig sa madadaming tanong ni Amber at Thana. Pati sila Kieran at ang iba pa ay nagtatanong din kung paano ko ginawa ang pagkawala at litaw ko. Hindi naman daw visible yun dahil alam nila kung paano ang visible.

"Ano na? Gusto naming malaman kung ano ang ginawa mo."pangungulit ni Thana.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila ng seryoso. Naghihintay naman ang mga ito sa sasabihin ko.

"Secret."nakangiting saad ko.

"Seina! Sabihin mo na!"wika ni Amber.

"Sabihin mo na lang para alam naman namin kung ano ang pinaggagawa mo kanina."sabi ni Luther.

"Eh kung sasabihin ko ba sa inyo, maniniwala kayo?"taas kilay na tanong ko.

Mabilis namang tumango ito puwera lang si Lincoln na may hawak na parang lagayan lang ng yogurt pero ang laman ay dugo.

"Tss."naiusal ko at huminga ng malalim. "Hindi ko alam kung ano ang tawag sa ginawa ko kanina. Matagal na akong naghahanap sa library kung ano yun pero wala akong makita."panimula ko na tahimik lang ang mga itong nakikinig. "Nalaman ko lang naman ito ng magpunta ako sa gubat na bigla na lang napunta ako sa madilim na lugar. Nung una nagtaka ako dahil maaliwalas at ayos naman ang panahon pero sa pagsulyap ko sa itaas ay nakita ko ang langit, ang mga puno.

"Mataas na tumalon ako at nagbalik naman ako sa kinatatayuan ko pero nagtaka lang ako kung ano ang nangyari. Kaya nung araw na nakita ko kayo na patungo sa dorm ay pasimple kong inapakan ang anino ni Thana at nagbalik muli ako sa madilim na lugar. Yun yung time na pinagtawanan nyo ako na sa pag aakala nyo ay nadulas lang ako--"

"Wait. Anino ko?"tanong ni Thana.

Tumango ako. "Yeah."

"Y-You sure? You mean.. nakapasok ka sa anino ko gaya ng ginawa mo kay Nicole kanina?"hindi makapaniwalang tanong nito.

Tumango ako. "Oo. Ginawa ko din yun sa ranking."

"S-Sa anino ng halimaw?"tanong ni Orpheus.

Tumangi muli ako.

"Paano mo nagawa yun?"salubong ang kilay na tanong ni Kieran.

Nagkibit-balikat ako. "Yan din ang tanong ko sa sarili ko hanggang sa makontrol ko na kung paano pumasok at lumabas sa anino."

"W-Woah. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan. Seryoso?"hindi makapaniwalang saad ni Amber at kumikinang ang matang tumingin sakin. Ganun din si Thana, Luther, Kieran at Orpheus.

Sumandal ako sa kinauupuan kong sofa. "Kung ang iniisip nyo ay gustong matutunan ang ginawa ko ay magtigil na kayo. Dahil hindi ko alam kung paano ituro yun sa inyo."wika ko at pumikit. Nakakaantok..

"Please.. Seina."naririnig kong saad ng mga to.

"Hindi ko nga alam.."sagot ko sa mga to.

Napatigil lang ang mga to sa pagmamakaawang turuan ko sila sa ginawa ko ng may kumatok sa pinto. Hindi na ako nag abalang tignan pa kung sino yun ng maramdaman kong si headmaster ang nasa labas.

Iminulat ko ang mata ko at umayos ng upo.

Nakita ko ang pag upo naman ni head sa pang isahang sofa at si Zion na nakatayo sa gilid kong kakababa lang. Ang iba naman ay naghihintay kagaya ko sa sasabihin ni head.

Tumingin ito samin at napadako ang mata sakin na nakasalubong ang kilay.

"Ilang araw lang tayong hindi nagkita, mas lalo ka pang gumanda. Your hair suit you."nakangiting anya.

I Got Reincarnated As A God [LIGHT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon