CHAPTER 5

2.1K 93 9
                                    


Seina's POV

Nakatingin lang ako sa limousine na nasa harapan ko. Like what the hell? Hindi ko alam kung ano ba ang nakain ng reyna at gustong sakyan ko ito.

Kahit kailan ay hindi pa ako nakakasay, oo nakikita ko lang ito pero hindi naman sumagi sa isip ko na gusto kong sumakay sa limousine lalo na at ang reyna ang may ari.

Napabaling naman ang tingin ko kay tandang Koko na usual may hawak na bote ng alak.

"Sigurado bang hindi ka sasama?"nakasimangot na tanong ko.

Mahina namang itong tumawa. "May kailangan pa akong gawin ngayon kaya hindi."

Tumingin naman ako sa reyna na abot tenga ang ngiti. "I'm a Queen, you know."makahulugang anya.

Lalong napasimangot ako. "Wala naman akong kakilala doon."

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit ng reyna at umangkla sa braso. "Malamang ngayon ka palang papasok sa Unibersidad at nasisiguro ko na makakahanap ka agad ng kaibigan."

"Yeah. About that.."singit ng hari na kararating lang. "Ito ang pangalan ng dorm mo at sigurado naman akong may tutulong sayo dun, dahil mababait naman ang magiging kadorm mate mo."ngingiting saad nito na inabot sakin ang isang pirasong papel.

Nakasimangot parin ako na tinanggao yun. "Salamat, kamahalan."

Narinig ko naman ang pagtawa ni tandang Koko. "Wag kang mag alala, bibisita ako dun para tignan ang lagay mo. Alam ko naman na mamimiss mo ako--."

"Ah mabuti sigurong wag na lang."nakangiwing saad ko at naglakad patungo sa limousine na maghahatid sakin patungo sa sinabing Unibersidad.

"Aba, loko tong batang to ah."

"Mauna na ho ako kamahalan."nakangiting paalam ko at tumingin naman kay tandang Koko na masama ang tingin sakin. "Magpatanda ka pa tandang Koko."biro ko na tinawanan ng hari at reyna.

Pumasok ako sa loob at bumungad sakin ang napaka-ganda na sigurado akong mahal ang isang ganitong limo. Napatingin muli ako sa palasyo bago naramdaman ko ang pag usad nito.

Ang totoo kinakabahan ako kagabi pa dahil ngayon lang ako lalabas ng palasyo at mag aaral kaagad. Dumoble ang kabang naramdaman ko ng tuluyan nang makalabas ang limo sa loob ng palasyo.

Tinahak namin ang napakahabang daan. Namamanghang napatingin ako sa gilid ng kalsada na kung saan ang mga naggagandahang puno. May nakita pa akong para lang sa Japan na sakura sa kulay pink na dahon nito.

Pamilyar din sakin ang kulay purple na dahon ng puno. Kadalasan may nakikita akong katulad nito sa Japan pero hindi ko naman alam kung totoo ba yun. Nakita ko lang ito ng magbakasyon ako dun.

Kalahating oras ang tinagal ng nasa loob ako ng sasakyan ng marating na din ang sinasabing Unibersidad. Napalaglag na lang ang panga ko habang nakatingin sa harapan ko. As in wow!

Parang mga mansyon ang tatlong nagtataasang gusali na nasa harapan ko. Iniisip ko kung paaralan pa ba ito?

"Miss Seina?"

Napakurap kurap ako ng biglang may tumawag sakin. Napatingin ako sa kung sino yun at nakita ko ang isang maputing babae na nakangiti. Malamang na bampira siguro ito.

"Y-Yes?"

"Sinabihan ako ng hari tungkol sayo na ngayong araw ka papasok. And I am here to guide you to your dorm."nakangiting anya at nagsimula ng maglakad.

Kasunod nito ang isang bodyguard base sa suot nyang itim na suot. Sumunod na rin ako papasok.

Madaming mata ang napapatingin sa gawi namin lalo na ako. Nagbubulung bulungan pa ang iba at ang iba naman ay parang wala lang. Napapansin kong madaming mapuputi dito na sigurado akong mga bampira dito at ang iba naman ay napapansin kong hindi gaanong maputi.

I Got Reincarnated As A God [LIGHT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon