Seina's POV
Alas otso na ng umaga ako nagising dahil nagpuyat ako sa paggamit ng kapangyarihan ko.
May bago na naman akong natuklasan simula ng maglakad ako pauwi dito sa dorm. Nang matapos ang ranking kahapon ay nagtungo ako sa gubat na kung saan walang napapadaan na mga studyante.
Tahimik lang akong naglalakad dun ng bigla na lang akong napasok sa isang madilim na paligid. Tumingin ako sa itaas at may nakita akong liwanag kaya tinalon ko yun. Ang akala ko nga eh sa panaginip ko lang ang kayang tumalon ng mataas yun pala ay totoo.
Nang makalabas ako dun ay kumunot ang noo ko ng makitang nasa gubat ako. Tinignan ko ang inaapakan ko at nakita ko ang anino ng punong naroroon.
Naisip ko pa nga kung lumuob ako dun hanggang sa lumabas na lang ako ng gubat at sakto ko namang nakita sila Thana na pauwi na. Nagteleport naman ako mula sa likuran nila at sa kamalas malasan nga lang napasok muli ako sa madilim.
Nang makalabas naman ako ay napaupo ako dahil sa sakit ng balakang ko. Hindi kase tama ang paglanding.
Tinawanan naman ako ni Amber at Thana dahil daw sa ano ang ginagawa ko.
Nang makarating kami sa dorm ay nag ensayo ako sa kwarto ko na kung saan kitang kita ang mga anino na naroroon. Mabilis ko namang nadiskartehan yun kung paano pumasok at lumabas--wag namang berde.
Pagkatapos nun ay ang apoy ko naman ang pinagdiskitahan ko. Kaya ko namang gumawa ng espada, pana at kadena.
Ang hindi ko lang maintindihan ay ang pagkakaiba ng mga kulay ng mga to. Ang espada ay kulay pula, ang pana ay kulay asul at ang kadena naman ay kulay lila. Sinubukan ko din na maging apoy ang kamao ko katulad na lang ng napapanood ko kay Ace pero nagtaka na lang ako na kulay asul ang lumabas na may lila.
Nakakainis lang dahil yun ang lumalabas gustong gusto ko na talaga yung kay Ace pero wala eh!
Kaya bumalik na naman ang pagkabusangot ko katulad na nung nangyari nung una ko itong ilabas.
Ganun ang itsura kong lumabas sa kwarto ko. Ang sabi nila ay dapat na nakauniporme pa din.
Tss hindi ba nila na isip na pwedeng may makitaan sa iksi nito?
Pumasok ako sa loob ng dining at si Lincoln lang ang nadatnan ko dun na kumakain. Umupo ako sa upuan na malayo sa kanya at nagsimulang kumain.
Napalunok ako syempre kumakain ako eh. Itinuon ko lang ng pansin ang pagkain ko kahit na naiilang ako sa matang nakatingin sakin.
Bigla namang sumagi sa isip ko ang nangyari samin. Sht! Naalala na naman! Ilang beses ko na bang iniiwasan sya para lang hindi sumagi sa isip ko ang nangyari.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo nito sa kinauupuan nya at naglakad patungo.. sht! Anong gagawin nito?
"May I talk to you?"boses pala nya yan pero kinakalibutan na ako.
Tumikhim ako para itago ang naiilang na nararamdaman ko.
"Ako ba?"
Woah grabe hindi nautal.
"Yes."
"Okay."
"Let's go."anya at tumayo.
Tumingin naman ako sa kanya na nagtatanong ang mata. "H-Huh?"
Nakita ko ang pagtaas nito ng kilay. "Shall we talk, right? Let's go."anya at hinawakan ang braso ko.
"S-Saan?"nauutal na tanong.
Nakita ko ang pagngisi nito sa mga labi nya. "In my room. Better in my room because we can talk properly."
Napanganga naman ako. "A-Ano? H-Hindi. Dito na lang."pigil ko sa kanya sa akmang hihilain ako palabas ng dining.
![](https://img.wattpad.com/cover/252566953-288-k443202.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
Fantasía(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...