SEINA'S POV
Napangiti ako habang nakatingin sa itaas dahil sa iba't-ibang mga palamuting naroroon. Alam nyo yung fireworks? Yung ganun pero mga bulaklak ang lumalabas.
Sumulyap ako sa iba na nakatingin din sa itaas. Ibinalik ko na lang ang tingin ko doon at mga ilang minuto pa ay nakaramdam na ako ng gutom dahil hindi pa ako kumain kanina. Hindi ko naman mahagilap sa kung saan si Lincoln dahil may importante daw itong gagawin sa palasyo.
Hinayaan ko na lang sila doon at tumalikod na naghanap ng kung saan pwedeng kumain. Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa tinambayan namin ng makarinig ako ng baritonong boses sa gilid ko.
"Saan ka pupunta binibini?"tanong ng isang lalaki na nakangiti sa akin dahilan para lumantad ang maputi nitong ngipin. Hindi sya bampira o lobo dahil yun ang naamoy ko sa kanya. Na mukhang tao lang sya.
Matangkad ito na hindi nalalayo sa taas ni Lincoln at maganda din ang katawan nya pero mas maganda ang katawan ni Lincoln. Maputi din ito at may itsura pero mas gwapo si Lincoln--teka nga. Bakit ba kinukumpara ko yun dito sa lalaking ito?
Namimiss ko lang yata--landi din!
"A-Ahm.. sa ano lang kuya.. naghahanap ng makakain."sagot ko sa kanya pero hindi ko ba alam kung bakit sinasagot ko ito eh hindi ko naman sya kilala.
"Ganun ba? Meron akong alam kung saan masarap na kumain."nakangiting saad nya sa akin. "Gusto mo bang sumama?"
Nag isip naman ako sa sinabi nya. Masarap na kainan? Ayos naman na saakin kung hindi masarap basta may laman ang sikmura ko.
"Wag na kuya. Baka makaistorbo pa ako sayo."saad ko dito na nauna ng maglakad pero mabilis na napatigil ako ng hawakan nya ang braso ko.
Magtatanong pa sana ako sa kung anong kailangan nya ng mapadpad kami sa madilim na kagubatan.
"Ano ba kuya ang trip mo at nanghihila ka na lang? Pagkain ang hinahap ko at hindi gubat--"
"Shh! Wag kang maingay baka marinig ka nila."bulong nya sa akin ng takpan nya ang bibig ko.
Nagtaka naman ako sa sinabi nya pero nakarinig na lang ako ng tawanan ng mga lalaki kaya napatingin ako dito. Nakita ko ang tatlong lalaking nakaharap sa kung saan na hindi ko alam kung saan.
"A-Anong ginagawa natin dito?"bulong ko sa kasama ko ng alisin nya ang kamay sa bibig ko.
"Pasensya na at dinala kita dito. Pero kailangan ko lang ng tulong mo."balik bulong nito na sumeryoso ang tinig.
"H-Huh? Naghahanap ka din ba ng pagkain kuya? Kung ganun pala ay bakit mo pa ako dinala dito?"
Narinig kong mahina itong natawa. "Gusto ko lang na tulungan mo akong makalabas dito sa Labytinth. Matagal na akong hindi makalabas labas dito dahil sa sinumpa ako ng diyos ng kadiliman. Kaya pakiusap, palabasin mo ako dito sa lugar na ito."
Natahimik ako na iniisip kung ano ba ang sinabi nya lang ngayon. Tulungan syang makalabas ng Labytinth.. sinumpa.. diyos ng kadiliman..
"Ah, sinumpa kayo dahil masama ka."ang tanging nasabi ko sa kanya.
Narinig mo namang napabuga ito ng hangin. "Matutulungan mo ba ako o hindi?"
"Pasensya na kuya. Pero hindi ko naman alam kung paano kita matutulungan."wika ko at akmang maglalakad paalis ng pigilan nya ako sa braso.
"K-Kahit ang kapatid ko na lang.."bulong nya na narinig ko naman.
Sumulyap ako dito at kahit hindi ko man makita ang mukha nya dahil madilim ay alam kong nakatungo ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/252566953-288-k443202.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
Fantasia(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...