☘️|MATURE CONTENT|R-18|☘️
SEINA'S POV
Sabay-sabay kaming pumasok sa opisina ni Head na nadatnan namin itong nakaupo sa upuan nya habang may binabasa sa isang papel. Nang mapansin nya naman ang presensya namin ay nag angat ito ng tingin samin na napadako ang mata nya sakin.
Naglakad kami patungo sa harapan nya na naghintay sa kung ano ang dahilan kung bakit kami pinapatawag.
"Pinatawag ko kayo para magtungo sa Nitha." Panimula nya na isa-isa kaming tinignan.
"A-Ahm.. head. May nangyari ba?"tanong ni Orpheus. Sa lugar na yun ang tahanan nya at wala naman sigurong masama kung mag alala kase doon na sya lumaki. Sabi lang sakin ni Amber.
Huminga ito ng malalim at napatitig sa lamesa nya na kung saan ang papel na kaninang binabasa nya.
"Nitong mga nakaraang araw ay may nagbalita saming may gumugulong halimaw sa lugar nang Nitha na kung saan ang isla ng Gareth. Isang halimaw na gabi lang kung nagpapakita para makapagsira ng pananim," naiiling na kwento ni head. "At kung maaari lang ay pigilan nyo ito para hindi rin ito makapanakit ng iba,"
"Gareth?"tanong ni Orpheus na tumango naman si head. "Pero ang layo ng lugar na yun," nakangiwing saad nya.
"Sigurado namang tutulungan tayo nila tita diba?"wika ni Thana.
"Oo.. at ang problema pa ay ang mga nakatira dun,"
Sa mga sandaling ngayon ay nakakaramdam naman ako ng kaba sa iisiping tutungo kami sa lugar ng Nitha. Hindi ko lang maintindihan pero kinakabahan ako.
Nagpaalam na kami kay head at pupunta sana kami sa cafeteria para kumain ng pigilan kami ni Thana at Amber.
"Sa dorm na lang tayo maghapunan. Namiss ko luto ni Seina." Saad ni Amber na mabilis namang sinang-ayunan ng iba.
"Gusto ko sinigang!"
"Ako din!"
"Adobong manok!"
"Mas masarap yung sinigang!"
"Yung adobo!"
"Sinigang!"
"Sabing adobo!"
At yan na ang girl versus boys na pinagtatalunan ang adobo at sinigang. Aawatin ko na sana sila pero nanahimik na lang ako at naunang maglakad patungo sa dorm.
Kasama ko naman sila Draco at Lincoln na hindi nakigulo sa iba. Laging tahimik.
Nang makapasok sa loob ng dorm ay nagtungo ako sa kusina para mag umpisang magluto. Kinuha ko ang stick na binigay sakin ni Zeke at ginawa ko yung pang ipit ng buhok ko.
Agad ko namang sinimulan ang pagluluto ng sinigang at adobo na pinag aawayan ng mga kasama ko. Tsk! Pareho namang masarap.
Nasa kalagitnaan naman ako ng paghiwa ng karne ng may yumakap sa beywang ko na lilingon na sana ako para tignan yun kung sino. At alam ko naman na base sa amoy at aura ay si Lincoln.
"You want me to help you?"mahinang bulong nya at naramdaman ko ang paghalik nya sa batok ko.
Umiling ako habang abala parin sa paghihiwa.
Ilang minuto ay natahimik ito na minsan hinahalikan ang leeg ko na nagdadala naman sa akin ng kiliti dahil sa ginagawa nya. Hindi ko sana ito papansinin pero naramdaman ko na lang ang pag iinit ng katawan nya mula sa likod ko.
Kumunot ang noo ko dahil sa ibang init nun. "Ayos ka lang?"tanong ko sa kanya pero mahina lang ang sagot nya na hindi ko pa maintindihan. Gamit ang likuran ng palad ko ay inilapt ko ito sa noo nya na nasa balikat ko lang.
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
Fantasía(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...
![I Got Reincarnated As A God [LIGHT]](https://img.wattpad.com/cover/252566953-64-k344876.jpg)