SEINA'S POV"At ano na naman ang naisip mong kabaliwan Seina?!"sigaw sakin ni Amber. "Umahon ka nga dyan para mabatukan kita! Dali!"
Umiling ako at umatras.
"Binibini, hindi ka ba nalalamigan dyan?"tanong ng ibang tao na nakatingin sa akin.
Umiling lang ako at huminga bago pumunta sa iba na tinulungan naman ako ni Lincoln na makahaon.
"Sinabihan na kita, wala pang sino man ang nakakalusong ng matagal dyan pero pumunta ka parin--"
"Tanda may nakita ako,"nakangiting pagpuputol ko kay tanda.
Nagsalubong naman ang kilay nya. "Ano yun?"
Kinuha ko ang sako na gawa sa tela mula sa tubig at iniharap yun sa kanya. "Meron pang ibang ganito sa loob at madadami din ang mga yun na nakahiwalay," saad ko at binuksan ang laman nun.
Tumambad ang halos isang daan na buto ng halaman na natahimik naman ang lahat ng ilang minuto habang nakatingin sa nahuli kong isda--nakuha ko palang sako.
"Anong buto ito binibini?"tanong ni tanda na kumuha pa ng isa.
Tumingin ako sa nag iisang halaman na nasa gitna ng lawa bago tumingin sa kanya at ngumiti. "ano sa tingin mo?"
"B-Binibini.. sigurado ka ba dyan?" Tanong ng iba.
Tumango ako. "Totoo ngang may kayamanan sa loob. Nakakita din ako ng perlas at ginto,"
Natigilan ang mga ito at tumingin sa lawa.
"T-Totoo?"
"Seina, sigurado ka ba?"tanong sakin ni Amber.
"Oo, tignan mo pa."
Napangiwi ito, "tubig alat ba yan?"
"Aba, tikman mo para malaman mo," utos ko na kinasama ng mata sakin.
Hindi ko naman alam ang lasa kase hindi ko naman tinikman.
"Wala ka ng ibang nakita pa?"tanong muli ni Amber.
"Meron," sagot ko at nakangiting tumingin sa kanya. "Madaming palaka,"
***
Nandito kami ngayon ni tandang Calla sa loob ng gubat na patungo sa pupuntahan namin. Hindi ko naman kung saan yun kase wala syang sinabi sakin. Matapos sabihan ako kanina na pupunta kami sa bahay nya daw ay ibinigay ng ibang lambana ang stick kong nahulog daw.
Kaya ito ako ngayon na sumisimsim ng kape habang nasa likuran ni tanda.
Nagtataka naman ako ng makita ko ang kweba na nasa harapan namin na mukhang patungo kami dun. Dito rin kaya pumasok yung lobo na yun. Baka nandito rin sya?
Yun ang nasa isip ko hanggang sa makapasok kami sa loob. Humihigop lang ako sa mainit kong kape habang tinatahak namin ang madilim na kweba.
Napataas ang isang kilay ko ng makita kong may pintuan sa dulo ng kweba at may lamp pa sa gilid nito. Iba talaga ang islang ito...
Binuksan naman ni tanda ito at sumulyap sa akin na kumunot naman ang kilay nya ng makita ang hawak kong tasa.
"Nung umalis tayo sa bayan ay hindi ko nakitang may hawak ka nyan,"
"Ah bumalik po ako,"palusot ko at ginawang abo ang kape ko na kinakunot ang noo ng matanda. "Anong meron sa loob?"tanong ko at hindi na hiningi ang permiso nyang pumasok ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/252566953-288-k443202.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
Fantasia(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...