CHAPTER 14

1.3K 64 0
                                    

Third Person's POV

Nakatingin lang si Seina sa isang sulok pero alam nyang wala ito rito. Nararamdaman nya lang ang galaw at aura nito pero hindi nya makita kung nasaan siya.

Kanina sa pag apak palang nya sa entablado kung saan ginaganap ang ranking ay nakaramdam na sya ng dalawang presensya na nadagdagan pa ng isa. Alam nyang hindi alam ng mga ito magtago ng aura kaya madaling nyang alam na may iba pang tao sa entablado.

Nagsimula na ang laban nila ng halimaw ng bigla na lang may sumuntok sa sikmura nya dahilan para maitalsik sya. Mahina syang napamura dahil sa sakit na dala nun.

Nagpasalamat na lang sya ng lumapit ang halimaw at nagtago sya sa anino nito. Ilang minuto pa sya doon at nakita nga nya ang tatlong nasa entablado na nakaitim na talukbong.

Sino sila?

Ang tanging nasa isip nya.

Lumabas sya sa anino ng halimaw at mabilis na sinipa ito na naging abo. Humarap sya sa kinatatayuan ng tatlo pero bigla na lang nawala ito. Nakaramdam sya ng henerhiya sa likuran nya kaya mabilis na nagteleport sya sa kabila at gamit ang pulang apoy at iwinasiwas nito ang sandata na nasa harapan nya.

Nawala naman ang visible nito at tumambad na lang sa harapan nya ang nasusunog na kaharap nya at naging abo.

"Visible huh?"nakangising anya at pasimpleng inilabas ang natutunan nya lang kahapon. Ang kadena.

Tumakbo sya sa isang sulok at naramdaman naman nyang sumunod ang dala at ramdam nya ang mga galit nito.

Napangisi na lang sya at tumakbo patungo sa barrier at tumalon mula sa likuran nila.

Gotcha.

Sa kabilang banda naman ay nagtataka sila sa kinikilos ni Seina. Bigla na lang kase itong nawala at napunta sa kabila na may nasusunog ng katawan dun at base sa suot nito ay iisa ang nasa isip nilang lahat.

Velorise.

Abala ang iba sa pagwasak sa barrier dahil hindi nila kayang magteleport para iligtas si Seina.

Napatigil sila sa pag wasak dito ng biglang tumakbo si Seina at mabilis na umikot patungo sa kabila. Nakangisi ito at masamang nakatingin sa harapan nya. Nakita nilang may hinila ito at bigla na lang may hawak na itong kadenang kulay lila na naglalakbay patungo sa harapan nya at kitang kita nilang may nakapalibot ang kadena na parang may kung sino ang naroroon.

Unti-unti ay nakita nila ang dalawang nakatalukbong at nakapalibot sa kanila ang kadenang hawak ni Seina.

Malakas na hinila nito yun palapit sa kanya at itinaas nya naman ang kamao nya na kinain ng pinagsamang asul at lila na sumalubong sa dalawa. At sa lakas ng impak na yun ay naramdaman nila ang kakaibang enerhiya na naggagaling dun. Ganun na ganun din ang naramdaman nilang lahat sa naganap na digmaan.

Kasabay ng pag abo ng dalawa ay ang pagbasag ng barrier. Napabuga sya ng hangin at bumaba ang tingin sa hawak nyang kadena na unti-unting hinihigop ng palad nya.

"Seina!!"

Seina's POV

"Seina!!"narinig kong sigaw ni Amber at tumakbo ito palapit sakin na sinalubong ako ng mahigpit na yakap kasunod ni Thana at ang iba pa.

"S-Seina, ayos ka lang ba?"naluluhang tanong nya.

Ngumiti naman ako at tumango. "Oo naman."

"Seina."tawag ng isang babaeng boses mula sa likuran ko.

Tumingin ako kung sino yun at nagulat ako ng makita ko ang reynang nakatayo dun. Walang emosyon ang mukha nito kasama si tandang Koko na ganun din ang itsura.

I Got Reincarnated As A God [LIGHT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon