Seina's POV
Nakakatulala lang ako habang salita ng salita ang lecturer sa harapan na puro tungkol sa Velorise. Hindi ko na ito pinagtutuunan ng pansin dahil nabasa ko naman na ang history kung paano namuo ang Velorise.
Magkakaklase kami nila Thana at Amber. Ngayon lang ba ako nag POV sa klase namin?
Well ang klase lang naman namin ang puno ng tahimik kung meron ang lecturer pero kapag wala.. tatayo ang mga babae at magpapacute sa mga prinsipe. Na sinasali pa si Zion na parang isa namang batong hindi nakakaramdam sa paligid ganun din si Lincoln at Draco.
Sa pagpasok ko kanina nakita ko ang lahat na napatitig sakin. Sino ba naman kase ang bigla bigla na lang magkukulay ng buhok kahit hindi ko naman sinasadya at hindi ko alam kung paano.
Nakakagulat lang ang mga nangyari sakin ngayong araw. Una ang bigla na lang nagyelo ang doorknob ng silid ko pero alam ko namang apoy ang kakayanan ko. Pangalawa ang pagkakulay ng buhok ko na hindi ko alam kung paano nangyari. Pangatlo naman ay isa na akong bampira!
Pinaliwanag sakin ni Lincoln kung paano ako naging isang bampira. Isang ganap na bampira! Kagaya kay Amber at Thana.
Ang sabi naman sakin nila Kieran at Orpheus ay naaamoy nila akong isang bampira talaga. Lobo lang ang may kakayahang magsabi nun kapag ang amoy ang gamit nila.
Kailan ko kaya sila makikita sa anyong lobo? Hindi pa kase ako nakakakita ng lobo.
Dumating naman ang sunod naming klase ang power control.
Hindi na ako nag abala pang makinig dahil alam ko naman nang konrtolin ang kakayahan ko. Pupunta na lang siguro ako sa library para maghanap sa kung ano ang nangyayari sakin.
Natapos na din ang klase at ngayon ay naglalakad na kami patungo sa cafeteria. Habang naglalakad kami napapansin ko ang mga tingin ng studyante sakin.
Hindi naman ako bulag para hindi ko malaman kung sino ang tinitignan nila. Kundi ako lang naman.
Huminga ako ng malalim bago kami pumasok sa cafeteria. Nag order ng pagkain at umupo sa dati naming pwesto. Tahimik ko lang na nilalantakan ang pagkain ko na parang wala akong kasama sa isang mesa.
Napansin naman siguro ng mga kasama ko na tahimik ako kaya pinabayaan na lang nila ako hanggang sa matapos na kumain. Mabilis na tumayo ako at lumabas ng cafeteria patungo sa library.
Busog pa naman ako na dahil siguro sa ininum kong dugo. Hindi na kataka-taka sakin na hindi na ako nandidiri sa dugo. Siguro nga dahil isa na akong bampira na kailangan ko ng sanayin ang sariling uminom ng dugo.
Patingin-tingin lang ako sa mga bookshelves sa mga lumang libro. Hinahanap kung ano ba ang pwedeng makatutulong sakin. Sa bagong natuklasan ko.
Power control.. Power manipulating.. Power rangers--ay mali.. Power rise..
Nalilito ako kung ano ba ang pipiliin sa tatlo kaya kinuha ko na ang mga to at nagtungo sa dulong bahagi ng lamesa na kung saan tago. Konti lang naman ang studyante dito kaya maayos akong nagbasa.
Una kong binuklat ang Power control at nakita ko ang maliliit na sulat na siguradong langgam lang ang kayang makapagbasa.
"Tss. Anong klaseng libro to? Kaya ba hindi gaanong makapal dahil maliliit ang sulat?"bulong ko.
Tumayo ako at mabilis na nagteleport sa kwarto ko at kinuha sa drawer ang salamin na siguradong kaya ng mabasa ko yun. Pero bakit sa nababasa at napapanood ko ay malakas ang pagbasa nila kung isa itong bampira?
Napailing-iling ako nagtungo muli sa library at mabuti naman na walang nakakita sakin. Mabilis akong umupo at binuklat ang naunang libro.
Fire controling...
![](https://img.wattpad.com/cover/252566953-288-k443202.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
Fantasy(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...