SEINA'S POV
Kanina pa kumakalam ang sikmura ko dahil hindi pa ako kumain kanina at wala naman akong makitang makakain dito. Nanlulumong napatingin ako sa apoy na nasa harapan ko.
Kung gaano ako kaswerte sa kapangyarihan ay ganun naman ako kamalas ngayon. Tapos yung walang hiyang lobo na pinagaling ko ay hindi man lang magpasalamat. E paano naman, lobo yun e at tsaka hindi naman aso yun na madali monh mapaamo.
Huminga ako ng malalim bago ko ipikit ang mga mata ko. Siguro bukas na lang ako maghanap ng pagkain dahil umuulan pa naman.
Ilang minuto lang ay nakatulog na din ako at agad na bumungad sa akin ang kakaibang panaginip..
--Awoooo!!!
Iminulat ko agad ang mata ko ng makarinig ng kung anong ingay. Grabe naman ang sarap pa ng tulog ko. Sino ba ang gumising sa akin?
Nakita kong napakadilim ng paligid na magtatanong pa sana ako kung nasaan ako ng maalala kong nasa isang isla pala ako. Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko. Wala sa sariling napaamoy ako sa katawan ko ng may hindi kaaya-ayang amoy.
"Grabe naman ang nangyari sa akin.."bulong ko na napanguso. Para na akong taong gala sa suot ko na madumi.
Napatingin ako sa labas ng makaaninag ako ng liwanag kaya lumabas ako. Nakita kong sumisikat na ang araw pero sa ulap na nasa itaas ng isla ay maitim na para bang laging may nagbabadyang umulan.
Agad naman akong nakaisip ng ideya sa matalino kong utak na minsan ay makakalimutin. Ikinumpas ko ang kamay ko upang mahangin ang ulap at makaramdam naman ng init ang isla. Napangiti ako ng lumiwanag na nga ang paligid.
Ikinumpas ko muli ang kamay ko dahilan upang maging mabuhay pa lalo ang isla. Nabuhay ang mga puno na nagkaroon ng iba't-ibang bulaklak sa kung saan na nakakita agad ako ng mga naglilipran.
Ibon, paru-paro sa paligid.
Ginamit ko naman ang hangin na nagpalutang sa akin pataas. Tumingin ako sa paligid na mas lumapad ang ngiti ko ng makita kong gumanda ang paligid.
Dumako ang tingin ko sa isang lawa sa hindi kalayuan.
"Makakaligo na rin ako."nakangiting saad ko na nagtungo patungo dun. Akmang aalisin ko ang damit ko ng mapansing may kung ano sa likuran ko.
Napatingin ako dun at naningkit ang mata ko ng makita ang lobong ginamot ko kagabi na hindi man lang ako pinasalamatan. Tumingin ito sa punong nasa tabi nya na para bang gusto nya ang naroroon.
Inangat ko ang mata ko at kuminang ang mga mata ko ng makitang may mansanas dun.
"Wahh! I'm so very genius!"maligayang saad ko bago tumalon sa sanga nun at nanguha ng isang mansanas. Kumagat ako na parang gutom--ay hindi pa pala ako kumain kagabi.
Awoo!
Nakita ko yung lobo na nakatingin sa akin na parang gusto nya din. Ngumiti ako at ikinumpas ko muli ang kamay ko na dahilan para magsihulog ang mga bunga ng mansanas. Kahit na may inis akong nararamdaman sa lobo ay kinakailangan din nila ng makakain.
Paano naman sila nabuhay dito?
Bumaba na ako sa kinatatayuan ko at napatingin sa isang sulok ng makita ko ang ibang lobo. Agad na nag agawan ito ng mansanas.
Ayos naman na sa akin ang isang mansanas kahit na ang gusto ko ay yung karne. Pero wala naman akong mahanap dito. Hindi ko naman pwedeng ulamin ang mga lobong nasa paligid ko dahil may awa naman ako.
Inalis ko na lang ang mga damit ko at lumusong sa malamig na tubig na kinasigaw ko. Pero buti talaga at ipinagpala ako sa kakayahan na kaya kong painitin ito. Huhuhu salamat Lord!
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
Fantezie(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...