CHAPTER 11

1.4K 69 0
                                    

Seina's POV

Madaming nagtataasang puno akong nakikita.

Saan ba ako? Ano bang lugar to?

Patingin-tingin lang ako sa paligid na baka sakiling may makita ako. Puro lamang hanggang beywang ko ang taas ng damong nasa paligid ko.

Sht! Baka may ahas palang nakatago dito at matuklaw ako!

Ngumiwi ako dahil sa naiisip. Wala sa sariling tumingin ako sa itaas at mataas na tumalon patungo sa isang sanga. Ilang minuto akong napatigil habang nakatingin lang sa harapan ko.

I.. I just d-did that?

Woah!

Namamanghang tumingin ako sa katawan ko at tumalon naman sa kabilang sanga.

Unbelievable..

Hindi ko napansin ang minutong lumipas dahil abala ako sa pagtalon sa mga sanga. Napakasaya ko lang dahil parang ako ang isa sa mga napapanood ko lang sa internet na kaya kong tumalon ng mataas.

Akala ko wala pang mas sasaya sa kakayahan ko.

Napatigil ako sa akmang pagtalon ko ng may makita akong umuusok na tumataas mula sa langit. May nakatira ba dito?

Kahit man may kaguluhan ang isip ko ay nagtungo ako dun.

Tumambad sa harapan ko ang isang bayan.. bayan na kinakain ng apoy at may nakikita din akong mga taong nakahandusay o mas tamang sabihin ay lobo.

Malalaki ang matang ipinalibot ko ang tingin ko at bigla na lang akong napapikit dahil sa isang ilaw na kumislap sa kung saan. Bumaba ako sa pagkakaupo ko sa sanga at naglakad patungo dun.

Wala parin akong alam kung ano ba ang nangyayari. Kung bakit ba ako nandito? At kung ano ba ang nangyayari sa bayan na ito?

Ang ibang bahay ay nagihing abo na dahil gawa lamang ang mga ito sa kawayan kaya madaling masunog.

Nakita ko na naman ang pag ilaw sa isang bahagi naman na nasisinagan ng araw. Umikot ako at nakita ko ang kabilang umilaw.

Apat ang mga ilaw na ito na nakadikit sa isang puno na magkakaiba ng direksyon. Kung titignan mo ng maigi ay kulay puti ang mga to na pumapalibot sa bayang kinatatayuan ko. Akmang lalapit ako sa isang puno na malapit sakin dahil nakadikit dun ang isang bato ng may kuminang naman sa gilid ng mata ko.

Ano yun?

Tumingin ako dun at nakita ko ang batong katulad ng apat pero ang isang ito ay kakaiba. Malaki ito at kulay pula ang kanyang kulay.

Naglakad ako palapit dun at kinuha ito. Kunot noo ko itong pinagmasdan at kusa na lang umikot ang paningin ko sa paligid na parang may hinahanap.

At mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng makakita ako ng isang puno. May mga baging na nakapulupot dito hanggang sa itaas. Sa gitna naman nya ay may napansin akong isang butas.

Huh? Butas?

Napatingin ako sa hawak ko at bumalik at tingin sa puno. Palipat lipat ang tingin ko sa mga to hanggang sa maintindihan ko kung para saan ang butas. Magka salungat ang kanilang hugis.

Lumakad ako patungo rito na muntik pa akong matalisod dahil sa katangahan kong hindi man lang tingnan ang nilalakaran.

Nang matapat na ako sa puno ay dahan dahan kong iniangat ang batong hawak ko papasok sa butas--wag berde ha?

I Got Reincarnated As A God [LIGHT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon