SEINA'S POVHalos tatlong oras ang tinagal bago kami makarating sa daungan na sinasabi ng tita ni Orpheus para makapunta sa lugar ng Gareth na isang isla na malayo sa lugar nila. Hindi naman ako nabored kase ang dami kong kinakain na laging nagtatanong naman ang katabi ko sa kung saan ko daw kinukuha yun.
Syempre yung sagot ko 'magic'. Diba magic naman talaga yun.
Sabay na kaming lumabas ni Lincoln sa karawahe at habang umiinom ng Mcfoat ay tumingin ako sa paligid.
Puno ng mga halaman ang meron sa paligid na iba't-ibang kulay na tumutubo sa kung saan. Lugar kaya ito ng Nitha kaya sigurong mahihilig ang mga ito sa iba't-ibang pananim. Napatingin naman ako sa harapan na kung saan ang malaking barko--
T-Teka.. sasakay kami dyan?!
"Shit... Hindi ko yata kakayanin.."bulong ko sa hangin habang nakatingin sa barko.
Iniisip ko palang na sasakay sa barko ay bumabaligtad na ang sikmura ko na parang susuka. Nung huli akong sumakay sa barko ay kasama ko pa si Joy at ang mga tropa namin patungo sa batanes.
Hindi pa nga kami nakakalahati ng bigla na lang akong magsusuka dahil sa hilo. Kaya nung oras na yun ay hindi na muli ako sumakay sa barko. Basta sa sasakyan ng pangdagat.
Ang hilig hilig manood ng one piece pero hindi naman gusto ang barko.
Tahimik lang akong nakatingin sa lupa habang ang mga kasama ko naman ay kinakausap ang makakasama namin papunta sa Gareth. Nauna ang mga itong maglakad patungo sa barko papasok kasunod ng iba pa.
Napalunok naman ako at sumunod na rin. Pero ng nasa barko na ako at naramdaman kong lumulutang ang kinalululanan o tinatapakan ko ay bumabaligtad na ang sikmura. Humawak ako sa katabi ko na si Amber ng umuga ang barko.
"Ayos ka lang?"tanong sakin ni Amber na tinanguan ko lang. "Ang putla mo, totoong ayos ka lang?"
"N-Natural lang yan.."sagot ko.
Nakita kong lumapit sa amin ang isang kasamahan namin at ngumiti.
"Kamahalan.. maaari ho kayong pumasok sa loob at tignan ang mga kwarto nyo. Nakaayos na at hindi ho kayo mahihirapang hanapin ito," magalang na saad nya.
Mabilis naman akong pumasok sa sinasabi nya na hindi na hinintay ang iba. Gaya ng sabi nya ay hindi nga ako nahirapang hanapin ang mga kwarto at pumasok na lang ako sa isang pinto.
Bumungad naman sakin ang kompletong kagamitan sa loob. Merong malambot na kama, kabinet at meron pang maliit na sofa sa isang sulok. Inilapag ko na lang ang bag ko sa sahig at umupo sa gilid ng kama. Nasa kalagitnaan ako ng pagpapakalma sa sarili ko para hindi ako masuka ng bumukas naman ang pinto.
Nakita kong pumasok si Lincoln at inilapag ang bag nya sa sahig bago tumabi sa akin.
"Are you okay?"tanong nya na may nababasa akong pag aalala sa mga mata nya.
"K-Kailangan kong.. ma-distract," mahinang bulong ko at mariing napapikit ng maramdaman kong umusad na ang barko.
"Why? Baby, what's the problem?" Tanong nya na hinawakan ang pisngi ko paharap sa kanya.
"H-Hindi ko kayang.. sumakay sa barko," sagot ko na yumakap sa kanya.
"But you like the movie of one piece," bulong nya.
"T-Tumahimik ka. Kahit na hindi ko gustong sumakay sa barko, gusto ko paring panoorin yun," nakapikit na saad ko.
Mahinang natawa ito at hinaplos ang buhok ko. "You need to rest. I think, I tired you last night,"
![](https://img.wattpad.com/cover/252566953-288-k443202.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
Viễn tưởng(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...