Seina's POVHinihingal na bumagsak ako sa kama ko. Kararating ko lang dito sa bahay galing sa practice na kung papaano gumamit ng espada. Masyado kaseng strikto ang papa ko na kailangan daw ay matuto ako nun.
Hindi ko alam kung bakit ba sabik na sabik syang gusto nyang matuto ako nun eh ayaw ko naman.
Sinabi ko nga dati na titigil na ako dahilan para kunin nya ang lahat na meron ako. Kagaya na lang ang cellphone, laptop at ang allowance ko pa.
Iniisip ko minsan kung gamitin ko kaya ang mga tinuro sakin sa kanya pero hindi ko naman gagawin talaga dahil mahal ko ang ama ko.
Wala na akong ina at hindi ko alam kung nasaan na dahil hindi naman masabi-sabi ni papa sakin kaya minsan ay gusto ko syang batukan.
Nakakainis lang dahil mamaya aalis na naman ako para magtrabaho sa restaurant ni papa.
Sinabi nyang pag igihan ko daw ang pagtratrabaho sa restaurant para daw ibigay nya sakin yun sa takdang panahon na kaya ko nang ipatakbo ang negosyo nya. Isa ako sa mga tagaluto dun na namana ko talaga yun kay papa.
Si papa ay isang hapon na may dugong pinoy. Kaya kung ano ang kaya nyang gawin ay ipapagawa nya sakin. Napabuga ako ng hangin bago tumayo sa pagkakahiga ko at nagtungo sa cr para maligo.
Wala namang pasok bukas dahil sabado kaya makakapagpahinga ako hanggang linggo. Lumabas ako ng cr at naglakad patungo sa walk in closet para magpalit.
Hindi ko naman masasabing mayaman kami dahil kung mayaman kami ay hindi ako maghihirap na magtrabaho sa restaurant ni papa kahit na yun ang utos nya.
Itim na jeans at long sleeves na kulay krema na pinarisan ko ng sneakers. Humarap ako sa salamin para ayusin ang buhok ko at lagyan ng pulbo ang mukha. Inilugay ko ang mahabang itim na buhok ko.
Nang makuntento na ako ay lumabas ako ng kwarto ko patungo sa garahe. Wala na akong madatnang katulong sa sala ng makababa ako na sighro ay tulog na ang mga ito.
Sumakay ako sa sasakyan at mabilis na pinausad yun patungo sa restaurant na pag mamay ari ni papa.
Nang maipark ko ang sasakyan sa parking lot ay agad akong bumaba at mabilis na nagtungo sa loob. Nadatnan kong maraming mga customer na kumakain nang makapasok ako sa loob.
Sikat ang restaurant ni papa dito sa maynila kaya dinadayo ito ng mga tao sa iba't-ibang lugar dahil sa sarap ng luto rito.
Naglakad ako patungo sa locker room para magpalit ng damit. Nang matapos ay dumiretso ako sa kusina na kung saan abala ang lahat sa pagluluto.
"Good evening Miss Sevilla!"
"Good evening Miss!"
"Good evening!"
"Hi Miss!"
Bati nilang lahat sakin. Ngumiti ako at tumango sa kanila at bumati din.
Nakisalo ako sa kanilang magluto nang dumami pa ang mga customer. Ilang oras ding nakalipas ng napagdesisyunan naming umuwi dahil gabi narin.
Sabay sabay kaming lumabas sa restaurant na nagkakasiyahang patungo sa parking lot. Kasabay ko ngayon si Joy, ang kaibigan ko na sa sobrang daldal ay gusto ko nang sabuyan ng asido ang bibig nya. Syempre hindi ko naman magagawa yun dahil may awa naman ako.
"..alam mo si Mark. Naku! Gusto ko nang ilibing yan ng buhay dahil sa pagkababaero nya. Biruin mo limang babae sa isang araw ang nagiging jowa nya pagkatapos ay maghihiwalay at papalitan pa ng lima sa susunod na araw! Alam mo yun! Gusto ko nang ipa tulfo yan dahil sa ugali nya."kwento nya sakin habang naglalakad kami patungo sa parking lot. Si Mark ay ang matagal nya ng kaibigan simula pa nung highschool sila na naging kaibigan ko na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/252566953-288-k443202.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
خيال (فانتازيا)(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...