CHAPTER 30

1.7K 58 0
                                        

SEINA'S POV

Nakalipas ang isang linggo mula nang matapos namin ang misyon namin sa Wenda ay lagi akong tulala at naguguluhan sa mga nangyayari sa akin. Napapansin kong laging hinahanap ng panglasa ko ang dugo na hindi ko naman kayang uminom ng ganun.

Lagi ding bumibisita ako sa library para magbasa ng kung ano ano dun. Tulad ng iba't-ibang kakayahan na matutulong sa akin lalo na nalaman kong dalawa ang kaya kong kontrolin na kakayahan.

Sila Thana lang ang nakakaalam sa nangyayari sa akin na hindi namin pinagsasabi kahit kanino. Lagi ko namang kasama si Rae na laging pinapalibutan ng ibang studyante dahil sa ang cute daw nitong pixie.

Grabe nga ang tawa ko nung binigyan ko sya ng pangalan at akala ko talagang lalaki sya pero lumiwanang lang at naging kulay berde ang kulay ng pakpak nya. Tinawanan ko talaga sya na sinasabi nyang 'pag binigyan mo ako ng pangalan ay lalaki na ako'. Ang sabi nya pero ang resulta ay kulay lang ang nagbago sa kanya.

Kaya hanggang ngayon ay magkasama parin kami. Tinutulungan nya akong maghanap ng librong tungkol sa iba't-ibang uri ng kakayahan.

Kung ito kaya?tanong nya habang nakaturo sa isang pahina na ang nakasulat ay Plant Growth.

Tinignan ko naman sya ng 'seryoso?'

Oo nga!

Humarap ako sa kanya at tinuro ang gusto nyang ipagawa sa akin. Alam mo naman sigurong apoy at yelo lang ang kaya ko diba? Hindi ko kayang magpatubo ng halaman!

Ngumuso naman sya at humarap sa akin. Pero ako alam ko! At kaya kitang tulungan para dyan! Malay mo na alam mo pala!

Tss. Si Orpheus lang ang kayang magpatubo ng kung ano ano at hindi ako ganun!

Subukan lang natin please??

Tinignan ko ito at nag isip kung paano--at ang shunga ko talaga dahil meron naman pala yung libro.

Binasa ko ang nakasulat at ang sabi lang naman ay kailangan mag concentrate at isipin kung ano ang gusto mong patubuin. Huminga ako ng malalim bago tumingin kay Rae na umiikot ikot pa sa harapan ko.

"Sige tara sa labas."saad ko na agad namang kumapit ito sa kamay ko bago kami nag teleport na napadpad kami sa garden. Luminga linga ako kung meron bang ibang tao o bampira at lobo dito at nang makitang wala ay naghanap naman ako ng pwedeng pwestuhan.

"Saan naman tayo magsisimula?"tanong ko kay Rae na nakatingin sa iba't-ibang bulaklak na nandun.

Magtingin ka na lang dyan! sigaw nya at bago ko pa ito masigawan ay nasa ibang sulok na ito.

Umupo na lang ako sa isang upuan na naroroon na may bubong. Itinukod ko ang magkabilang siko ko sa tuhod ko habang nakatingin sa lupang nasa harapan ko.

"Ang sabi naman ay mag concentrate lang diba? At isipin kung anong gusto mong ipatubo."kausap ko sa sarili ko na parang pinapahalahan kung anong dapat ang gawin.

Nakailang minuto ng nakatingin ako sa lupa pero wala parin akong maisip kung ano bang gusto kong patubuin. Hanggang sa makarating sila Amber na hinahanap ako kasama ang iba. Pwera lang sila Draco, Lincoln at Zion na hindi ko alam kung saan ang mga yun.

"Ano bang ginagawa mo dito?"tanong ni Thana sa akin habang nakapameywang.

Huminga ako ng malalim at tinignan si Rae na mukhang masaya sa ginagawa nyang nakatingin sa iba't-ibang klase ng bulaklak.

"Sabi kase ni Rae sundin ko daw yung nakalagay sa libro."sagot ko sa kanya na hindi ko na alam kung ano bang gagawin ko dito.

"Ano namang sabi sa libro?"tanong ni Orpheus na may kinakain na tinapay.

I Got Reincarnated As A God [LIGHT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon