Amber's POV
Tahimik lang akong nakaupo habang nakatingin sa harapan.
Kanina pa ang dalawang tumatawa na parang may nakakatawa at alam ko kung ano ang tinatawa nila. Parang nananadya ang mga ito eh, gusto yata makita ang bangis ko.
Tss, paulanan ko kaya ang kinauupuan nila.
Hindi pa nagsisimula ang ranking na gusto yatang i-delay. Taon-taon nagaganap ang ranking para maipakita kung saan ka mapupuntang zone.
Ang alam ko ay bukas pa kami papasok ganun din ang first year.
Nakita kong naglakad si headmaster Waynard sa harapan hawak ang mikropono.
"Good morning, students!"bati nito na may ngiti. Si headmaster ay nasa 40's na sya pero ang ugali parang bata lang kung makakasalamuha mo.
"Good morning headmaster!"balik bati naming lahat.
"After we proceed to the ranking event I will intoduce all of you our visitor. They will watching your performance until tomorrow."panimula nito at tumingin sa gilid. "Queen Elisabeta Del Selles and King Alaric Del Selles together with Miss Koko."anito at naglakad ang tinawag nito sa tabi nya.
Madaming nagsigawan at tilian meron din ang iba na nagbubulungan. Napangiwi na lang ako kapag napapatingin kay Miss Koko dahil sa suot nito at hawak nya.
Paano mahilo?
Madami pang pinagsasabi si headmaster tungkol sa ranking bago nagsimula.
Unang sumabak ang mga bronze zone na pumasok isa isa sa gitna at ng pinalibutan na ito ng barrier para hindi makatakas ang halimaw na papasok rito. Nilabanan naman ng mga ito gamit ang kakayahan nila bilang isang lobo at bampira.
Nang matapos ang bronze na itinagal ng tatlong minuto dahil konti lang ang mga to. May napunta na sa white zone at ang iba naman ay nanatili.
Tinawagan naman na ang white zone at gaya sa bronze ay isa isa itong tinawagan. Mahihina lang naman ang mga halimaw na kinakalaban nila para samin.
"Zion Kal Ploris."tawag ni headmaster sa susunod na papasok.
Matanglad ito at mahaba ang buhok nyang hanggang balikat.. at may itsura naman. Malakas din ang aura nyang nararamdaman ko at alam ko sa mga kasama ko ay ramdam yun.
"Zion!"
Sabay sabay kaming lahat na napatingin kay Seina ng tawagin nya ang binata at kumaway pa ito. Tumingin naman ako sa tinawag nya at tipid na ngumiti.
"Kilala mo yun?"tanong ni Thana.
Nakangiti naman itong tumango. "Kahapon lang."
"I smell something.. jealousy."bulong ni Luther na narinig naman namin. Duh malakas pandinig ko men.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harapan. Nakita ko na itong nakatayo at hinihintay na lang na lumabas ang makakalaban nya. Ilang minuto ay lumitaw ang halimaw at nagkatitigan pa ang mga ito bago kumilos ang kalaban sa kanya.
Mabilis na nailagan nito ang patalim nito at sa isang kumapas lang ng kamay ni Zion ay may namuong kulay puti sa kamay nya na tumama sa katawan ng halimaw. Naging abo na lang ang katawan nito at ibig sabihin ay nanalo sya.
Bumukas naman ang barrier at ipinakita naman ang puntos nito sa screen.
68 into hunter zone.
Pumalakpak ang mga nanonood at may nagtitilian pang ibang babae.
Gulat na gulat akong nakatingin sa nagngangalang Zion.
![](https://img.wattpad.com/cover/252566953-288-k443202.jpg)
BINABASA MO ANG
I Got Reincarnated As A God [LIGHT]
Fantasi(book 1: completed) A girl name Seina Sevilla died in accident but the God gave her a second life and take her from the different world. She could not believe that she had lived when she woke up in a strange room. And after that her fate began.. |MA...