CHAPTER 40 (END)

89.4K 1.6K 215
                                    

CHAPTER 40 (END)




HANNAH

Pagkatapos naming umuwi from our honeymoon at bumalik na si Apollo sa Luzon para asikasuhin ang naiwang trabaho. Samantalang ako naman ay itinuloy ang pamamalakad ng rancho. Gusto ko sanang sumama sa kanya ngunit hindi ko pwedeng iwanan ang mga tauhan namin lalo na't ngayong may kumakalat na virus sa mga baboy. Mas kailangan ng suporta ng mga tao dito sa amin.

"Good morning, Miss Hannah." Bati sa akin ni Miss Payne, isa sa mga beterenaryo namin.

"Natapos na natin i-record 'yung health n'ung mga inahin?" Saad ko habang pinatitigil si Jeprox sa paglalakad.

Tumango ito. "Opo, Miss Hannah. Si Rose naman po ay nasa kambingan."

"Sige, Miss Payne, salamat sa tulong niyo. Doon na muna ako sa kamalig, titingnan ko kung maayos na nasalansan ang mga palay." Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinatakbo ko na si Jeprox.

Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ni Apollo. Tanging tawag at videocall lang ang nagpapawala ng inip namin sa isa't-isa. Mabuti nalang at masyado akong aligaga sa hacienda kaya't may mga sandali na nawawala ang lungkot sa akin isip.

Mainit ang sikat ng araw, at halos tumatagaktak ang pawi sa aking cotton shirt. Ngunit patuloy ko pa ring tinutulungan magsulat ng datas ang supervisor. Dahil nagtulong na si Papa at Apollo sa pagpapalago ng hacienda ay dumarami na ang aming koneksyon at kliyente. Ngunit dahil may edad na si Papa ay hindi ko na siya pwedeng pabayaan na mag-isang mag-manage nito.

"Miss Hannah, umuwi na po muna kayo, parang namumutla ka po, e. Kami na po ang bahala rito." Nag-aalalang saad ng Supervisor.

"Pero may tatlong delivery truck pa ang darating."

"Sige na po, Miss Hannah. Kami nalang po ang bahala rito. Kami po ang malalagot kay señor kapag may nangyari po sa inyo."

Lumabas ako ng kamalig at nilapitan ang kabayo ko na nakatayo lang sa gilid ng pinto, wari'y nag-aabang sa pagdating ko. Bigla ko nalang naramdaman ang hilo at kumapit sa saddle ni Jeprox.

What's happening?

"Miss Hannah—" Hindi ko na narinig ang sumunod na sasabihin nito dahil umikot na ang aking mga mata at nawalan na ako ng malay.

"Where are you?! Akala ko ba'y aalagaan mo ang anak ko?... Ano'ng aasikasuhin?... Ikaw? Pagtatakpan ka namin?... Ah, kaya pala. Sige, kalmado na ko... syempre aalagaan ko, anak ko 'to, e." Ang galit na boses ni Papa ang nagpabalik ng malay ko.

"'Ma..." Ungol ko bago imulat ang mga mata.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at hinalikan iyon. "Hannah, sweetie, mabuti at gising ka na. You fainted, do you know that?"

Nasa loob ako ng aking kuwarto, bukas ang air conditioning unit at napalitan rin ang aking kasuotan. "Ang init kasi sa labas."

"Oo. Hindi ka naman kasi daing pero nasa initan ka."

"Sorry na, 'pa." Bumangon ako at sumandal sa headboard. Mas gumaan ang aking pakiramdam nang maramdaman ang lamig na dulot ng AC.

"Anak, kailan ka pa huling dinatnan?" Napatitig ako kay Mama. Parang nag-loading ang aking isip dahil sa tanong nito.

"I don't remember when. Wait, I'm... pregnant?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Aba, hindi namin alam. Hindi naman kami ang nakikipagjugjugan."

"Mama, tatay ko ba talaga 'to?"

"'Wag niyo ibahin ang usapan. Hannah, buntis ka ba?" Seryosong tanong ni Mama.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon