CHAPTER 17

113K 2.8K 328
                                        

Here's another chapter since I won't give an update tomorrow. Thank you for supporting the story. 🥰
********
CHAPTER 17



HANNAH

Mabigat ang aking katawan nang magising kinaumagahan at parang wala akong gana na lumabas sa hotel room. Inabot ko ang aking cellphone nang umilaw iyon. Alin lang kay Freya at Adonis ang magme-message sa akin.

From: Adonis
Is this you?

Kumunot ang noo ko at umupo sa kama bago ito gumawa ng reply

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kumunot ang noo ko at umupo sa kama bago ito gumawa ng reply. "Yes, that's me. Saan mo nakita 'yan?"

Adonis: That is not the whole picture, actually. It's too dark and nahagip ka sa photo. Nanigurado ako kung ikaw so I zoom and crop.

I responded. "Saan mo nga 'yan nakita? Pa-suspense."

Adonis: 'Di ko na sasabihin. Secret nalang. Who's the guy, by the way?

"He's Harley. 2 days palang kaming magkakilala."

Adonis: Bago mo? Wala kang pahinga ah. Pa-expired na ba ang egg cells mo?

"Hindi ko siya hinaharot! Anyway, kanino nga galing 'yung photo?"

Adonis: It's from someone's gram story.

Napakagat ako sa aking labi. Umaasa habang tumitipa ng mensahe. "Was it from Apollo's?"

Adonis: Yeah. Don't approach him. Please, I'm begging you.

"Thank you, Adonis." Iyun ang huling mensahe ko at umalis na sa kama para mag-ayos ng sarili.

Apollo saw me while I'm talking to Harley. Did he got jealous? Napapansin na ba niya na hindi siya masaya kapag wala ako? Bakit niya i-story ang litrato na iyon? Sinadya ba niyang isama ako sa litrato?

Nang matuyo ng blower ang aking buhok ay lumabas na ako ng silid. I put my own at the back pocket of my shorts. Paglabas ko ng hotel ay sinalubong ako ng malakas na hangin kaya't hinawakan ko ang aking kimono.

"Hi." Nagulat ako sa boses na bumati sa akin. Papalapit sa akin si Harley habang may hawak itong tasa ng kape. "Good morning."

"Hi, ang aga mong gumising. 'Di ka naki-party?" Tanong ko.

"Nope." Pinaloob nito ang isang kamay sa itim na track pants. "After breakfast, do you want to go beach hopping?"

"You have a yacht?" Tanong ko dahil wala naman akong nakikitang bangkero sa resort na ito.

"I have." He said confidently.

"Are we going alone?"

"No. I invited some friends."

"Are they noisy?"

Umiling ito. "Some of them are newly wed couple, they are tamed."

Ngumiti ako. "Okay."

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon