CHAPTER 33
HANNAH
Lumabas na ako sa room ni Harley at naabutan si Apollo na nakasandal sa pader sa harap niyon. Nang makita ako ay umayos siya ng tayo at lumapit sa akin. I rested my cheeks on his chest and he wrapped his arms around me.
"You're drained. Ihahatid na kita sa inyo."
Tumango ako. "Hindi ako umuwi kagabi, I'm sure they are pissed."
"That's alright. I'm insured." Natatawa nitong sabi.
Buong biyahe ay nakatulala lamang ako sa labas ng bintana ng kotse nito. Hinayaan niya ako magkaroon muna ng space. Nakarating kami sa gate ng bahay. Binaba ko ang salamin ng kotse upang malaman ng kasambahay na ako ang sakay ng kotse. Nang mabuksan ang gate ay pinasok na ni Apollo ang kanyang sasakyan at inihinto sa tapat ng entrance door namin.
Lumabas si Mama at Papa, magkahawak ito ng kamay. Bumaba ako mula sa passenger seat at mabilis na lumapit sa kanila upang yumakap. Hinalikan nila ako sa ulo at noo habang marahang tinatapik ang aking likuran.
"My sweet baby, we can live in Japan for a while if you want to." Bulong ni Papa.
Humigpit ang yakap sa akin ni Mama. "Yeah. We're coming with you. Ayaw ka namin na mag-isa lang roon. We will keep you safe."
Umiling ako at bahagyang lumayo sa kanila bago lumingon sa sasakyan. Lumabas si Apollo roon at naramdaman ko ang paninigas nila Mama at Papa.
"Good morning, Mister and Misis Ramos. I am Apollo Bustamante." Magalang na sambit ni Apollo.
Kumunot ang noo ni Papa at nanliit ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan si Apollo. "You look familiar, son. Have we met before?"
"Yes, sir. Almost three years ago. We met in a very uncomfortable situation." Namula ang aking pisngi sa sinabi ni Apollo.
"What uncomfortable situation?" Mama asked confusingly.
"He's kissing our baby girl. Parang tigre na uhaw sa tubig."
"Papa, grabe ka naman!" Nahihiya kong sabi.
"Wala naman akong sinabing masama. Pero ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba't sinaktan mo rin ang damdamin ng anak ko noon?" Matigas na sabi ni Papa. "Speak up, young man."
Tumikhim si Apollo bago magsalita. "I did hurt her before and I'm not hiding that fact, sir. I got my heart broken by someone and I don't want take your daughter for granted. Hindi ko kayang gawin siyang panakip-butas."
My eyes widened when he bend his upper body. "Now that I'm healed, there is no reason for me to hurt her. So please, let me take care of her."
Nagulat si Papa sa ginawa nito. "Take care of her? What do you mean?"
"'Pa, sa Luzon muna ako."
"Hannah, dili mahimo. Nabalaka gyud kami sa imong Mama nga wala ka mipauli kagabii. Unya isulti mo kanamo nga mogawas ka sa Cebu? At ang kasama mo ay lalaki na ngayon lang namin nakilala?" [Hindi maaari. Nag-aalala na nga kami ng Mama mo n'ung hindi ka umuwi kagabi dito. Tapos ngayo'y sasabihin mo sa amin na lilisanin mo ang Cebu?]
"'Pa, kapatid siya ni Adonis."
"Kahit na!" Bahagyang tumaas ang boses nito kaya't hindi na ako nagsalita. "Si Adonis ang kilala namin. Hindi namin alam ang ikot ng bituka ng isang 'to."
Hinawakan ni Mama ang braso ni Papa. "'Pa, irespeto nalang natin ang kagustuhan ni Hannah."
"Bakit? Pumapayag ka na umalis ang nag-iisa nating anak kasama ang kung sino mang lalaki na hindi natin lubos na kilala?"

BINABASA MO ANG
TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)
عاطفيةCOMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that. Very much." Tinaasan ko ito ng kilay. Minamaliit nya ang kakayahan ko. "At kapag nagawa ko?" "Pakaka...