CHAPTER 12

92.2K 2.5K 285
                                    

CHAPTER 12



HANNAH

Mas nauna akong dumating kaysa kay Apollo. 8AM palang ay nandito na ako sa Park at nakabili na rin ng ticket. Nasa harap ako ng mismong gate habang hinihintay na dumating ang sasakyan nito.

I tried to call but he's not answering his phone. Nakakailang buntong-hininga na ako dahil dalawang oras na akong naghihintay. Sumilong na ako sa ilalim ng puno dahil naabot na ng init ang kinatatayuan ko roon.

Nakayuko ako at pinapanuod ang paglipad ng mga dahon nang may humintong mga paa sa aking harapan. Itinaas ko ang aking ulo at nakita si Apollo.

"You're late." Hindi ko naitago ang inis.

"Yeah, I got a little lost. Sorry."

"You can use the Waze, you know." I whispered.

"What do you want? I'm here, am I?" Iritang sabi nito.

Palihim akong nagbuntong-hininga at tiningnan ito bago bigyan ng matamis na ngiti.

Itatago ko nalang, wala naman siyang pakielam eh.

"Tara na sa loob." Yaya ko sa kanya. Inabot ko ang kamay nito ngunit iniwas niya iyon at nagpatiuna.

"Huling araw na naman, Apollo. Hindi mo pa ako mapagbigyan." Mapait kong bulong bago sumunod sa kanya.

Ni hindi man lang niya tinanong kung okay lang ako at kung hindi ba ako nainip sa paghihintay sa kanya. Ni hindi man lang niya binigyan ng compliment ang pinaghirapan kong ayos ngayon.

Sumabay ako sa kanyang paglalakad kahit malalaki ang hakbang nito. Bagong bili ang aking sapatos at nararamdaman ko ang namumuong paltos sa aking paa ngunit hindi ko iyun ininda.

"Apollo, ayaw mo ba munang kumain ng almusal? Baka nagugutom ka." Saad ko at pinabayaan niya akong abutin ang braso nito.

"Hindi. Kumain na ko kanina sa bahay." Ako, hindi pa.

"Ganoon ba, mamaya pa naman magbubukas ang mga rides. Samahan mo muna akong kumain, nagugutom na ako eh."

"Okay." Walang-ganang saad nito.

Habang naghihintay ng pagkain ay pinilit kong isalba ang conbersasyon namin. Halos tatlong salita lang kasi ang sinasagot nito at lagi akong supalpal. Para bang ayaw niya akong kausap.

"Apollo, huling araw na 'to. Baka pwede na, isantabi mo muna 'yung kasungitan mo." Kahit masakit, pinili kong ngumiti.

Huminga ito ng malalim. "Ang dami mong demands, Hannah. Gusto mong mag-date, pinagbigyan kita. Gusto mong kumain, sinamahan kita. Mamaya ay papagurin mo ako sa rides, pero wala naman akong magagawa kundi sumunod sa'yo."

Bumaba ang tingin ko. "Gusto ko lang na ma-enjoy mo rin 'yung araw na ito."

"Ang hirap kasi sa'yo, pinipilit mo lahat ng gusto mo sa akin."

This is supposed to be a date. Bakit parang may mali?

Pinilit kong tumawa ng mahina at hinawakan ang kamay nito sa ibabaw ng mesa. "'Diba date 'to? Bakit tayo nagsasabihan ng feelings? Okay lang ba na 'wag muna tayo mag-away? Kahit after nalang nito?"

"Tutal huli na naman, Apollo. Pangako, huli na." Nakangiti kong sabi. Nagpasalamat nalang ako dahil hindi nanginig ang aking boses habang sinasabi iyon.

"Okay." Binawi nito ang kamay at humalukipkip bago tumingin sa labas ng kinakainan namin.

After mag-almusal ay naglakad-lakad na muna kami para kapag nag-rides ay hindi ako maduwal. Walang salitang namamagitan sa amin at bumagal na rin ito sa paglalakad. Gusto kong hawakan ang kamay ni Apollo dahil huli na ito, ngunit baka mas mairita siya sa akin kaya 'wag nalang.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon