CHAPTER 28

90.9K 2.1K 162
                                    

CHAPTER 28



HANNAH

Dahil sa walang matutuluyan ay pinili ko na pag-stay-in muna sila Jen sa hotel na malapit sa ospital. Kahi na nahihirapan ako sa sitwasyon namin ay wala akong karapatan para pigilan ito na bisitahin si Harley. Kasalukuyan na nakahiga si Harley hospital bed at natutulog ito. May bandage ang kahabaan ng kanyang hita at braso dahil sa natamong 2nd degree burn.

Hawak ko ang kanyang kamay habang tinititigan ang pagtulog niya. Sila Mama at Tita naman ay umuwi para kumuha ng mga damit at iba pang gamit.

Pinunasan ko ang tumakas na luha sa aking mga mata. Hindi ko maiwasan na mag-overthink sa posibleng mangyari sa amin ni Harley ngayong nalaman ko ang itinatago nito. Ano ang gusto niyang gawin ko?

Bakit niya ginawang ilihim sa akin ang pamilya nito? Dahil ba takot itong malaman ko iyon? Dahil ba ayaw niya akong masaktan?

"Harley... I don't know what to think anymore.." Bulong ko habang humihikbi.

Si Mama ang unang dumating at ibinigay sa akin ang pamalit na damit. Pumasok ako sa bathroom at naligo roon. N'un ko lang napansin ang malabong bakas ng dugo sa aking mga kamay at ang maruming damit.

Nang matapos ay nagbihis na ako at lumabas ng bathroom. Naabutan ko si Tita na nakaupo sa tabi ni Harley at hinahaplos ang buhok nito.

"Tita, magpahinga na po muna kayo. Ako nalang po ang magbabantay." Mahina kong saad at hinawakan ang balikat nito.

"I drove him into this. This is my fault."

"Tita..."

Huminga ito ng malalim at tumayo sa aking harapan. Halos mamaga ang kanyang mga mata dahil sa labis na pag-iyak. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko si Mama na pasimpleng lumalabas ng kuwarto upang bigyan kami ng privacy ni Tita.

"Si Jen ay anak ng dati kong kaibigan. Namatay ang ama at ina nito sa isang aksidente, at walang gustong kumupkop sa kanya. 14 years old nang siya'y mapunta sa puder ko. Bilang kabayaran sa pagsusuporta ko sa kanya ay nangatulong siya sa akin." Umpisa ni Tita. "Harley was never a playful kid. Istrikto siya pagdating sa sarili. Konserbatibo ito."

"Havbang tumatagal ay napansin ko na ang pagiging malapit ng dalawa. Napansin ko rin na palagi siyang inuuwian ng pasalubong ni Harley sa bawat uwi nito galing campus. Ngunit nagbulag-bulagan ako. Inisip ko na dahil nag-iisang anak ko si Harley ay nakikita nito si Jen bilang kapatid."

Hindi ko alam kung handa ba akong marinig ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung ano ang panghahawakan ko.

"Ngunit, sa edad na bente ay napapansin ko na iba na ang turing nila sa isa't-isa. Na para bang may itinatago si Harley sa amin. Napansin ko ang paglayo ng aking anak nang sabihin ko na ililipat ko si Jen sa bahay sa Lipa." Pinisil nito ang dalawang kamay at sinundan ko siya nang maglakad ito patungo sa sofa. Umupo ako sa upuan na nasa harapan nito. "Hanggang sa isang araw ay ibalik niya si Jen at sabihin na buntis ito. Kahit na binugbog siya ng kanyang ama ay nanatili ang kanyang desisyon na panagutan ito."

"I...I'm sorry, Tita..." Saad ko upang ihinto nito ang susunod na sasabihin. Napuno muli ng luha ang aking mga mata. "Gusto kong malaman ang totoo pero hindi sa ganitong paraan. Nais ko sana na si Harley nalang ang kausapin ko."

Tumango-tango ito. "Nirerespeto ko ang kagustuhan mo. Patawarin mo kami, Hannah."

Hindi ako umimik. Isinapo nito sa kanyang mukha ang mga kamay at muling humagulgol. "Patawarin kami, Hannah. Kung darating man ang oras sa kakamuhian mo si Harley, pakiusap sa akin mo na lang ituon. Sa akin ka nalang magalit."

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon