Hi, thank you sa pagsupport. I still can't update daily due to work.
———
CHAPTER 23
HANNAH
Huminto kami sa tapat ng mansyon nila Adonis. Nauna ng bumaba sila Adonis at sinundan siya ni Freya para suyuin dahil buong biyahe ay hindi sila nag-uusap. Ngunit parang walang balak na bumaba si Apollo sa sasakyan nito kaya't tinanggal ko na sa pagkakakabit ang seatbelt.
"Maraming salamat po sa pagsundo." Saad ko habang tinitiklop ang pinahiram nitong damit at inabot sa kanya.
Kinuha niya iyon. "Congratulations, by the way."
Nginitian ko ito ng matamis. "Thank you. You can come if you want."
He looked at me. Finally, our eyes meet. "It might get awkward between us."
"Nonsense. Tapos na ang lahat, nakalimutan ko na." Saad ko bago hinawakan ang bukasan ng pinto.
Ngunit napakislot ako nang bigla nitong ni-lock muli ang mga pinto at pinaandar ang sasakyan. Marahas ko siyang tiningnan.
"Apollo! What are you doing?!"
Hindi ito umimik ngunit may mapaglarong ngiti sa mga labi nito. "You'll see."
"This is a crime! Ibalik mo ko doon."
"Put your seatbelt on, miss." He said playfully.
"No! Stop the car! Bababa ako."
"Bukas ka pa naman babalik sa Cebu, 'di ba? Samahan mo muna ako."
"Huh? Saan? Teka, biglaan ito."
"Batangas."
Napabuntong hininga nalang ako at isinuot muli ang seatbelt bago pa kami mahuli. Binato nitong muli sa aking harapan ang t-shirt upang itakip sa hita ko. Tahimik lang ako na nakamasid sa labas ng sasakyan habang hinihintay na makarating kami sa gustong puntahan nito.
"It's too quiet." Basag nito sa katahimikan.
"Edi magpatugtog ka." Masungit kong sabi at inirapan ito.
Umangat ang isang sulik ng labi nito at inabot ang stereo sa harapan. Palihim akong natawa dahil sa pamilyar na intro ng kanta. Hindi ko mapigilan ang pagtawa kaya't tinakpan ng aking kamay ang bibig ko. Hanggang sa magsimula na ang kanta na ginawa ng Gagong Rapper band.
It really hurts, ang magmahal nang ganito. Kung sino pa'ng pinili ko, hindi makuha nang buo. Hanggang gano'n na lang nga, kailangan ko 'tong tanggapin na sa puso mo, mayro'n na ngang ibang umaangkin. At alam ko na rin na mayro'n nang nagmamay-ari sa pag-ibig sa iyo, ako itong nakikihati. At ano man ang mangyari, 'di ko kayang manumbat at kahit pa ilihim mo ako sa lahat.
"Apollo, ano ba 'to? Bakit ka nakikinig n'yan?" Oh, my god! This is hilarious!
Nagkibit-balikat ito. "Na-LSS lang ako."
Nagtuloy-tuloy ang kanta at malaon ay sinasabayan na namin iyon ni Apollo. "Sa sitwasyon natin na 'to, 'di ko alam kung sa'n tutungo. Alam ko, mahirap at mali pero mahirap din isuko."

BINABASA MO ANG
TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)
RomanceCOMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that. Very much." Tinaasan ko ito ng kilay. Minamaliit nya ang kakayahan ko. "At kapag nagawa ko?" "Pakaka...