CHAPTER 16
HANNAH
Mabilis ang aking paghinga nang matapos ko ang aking litanya. Hindi ko gusto na mgsermon pero sadyang napatid ng sinabi nito ang hiblanng aking pasensya.
Mabilis ko itong tinalikuran at naglakad pabalik sa pampang. Binigyan ako ni Giaco ng tuwalya at agad ko iyong binalot sa aking balikat. Nakatingin sa amin ang mga tao dahil na rin siguro sa malakas na away namin ni Harley.
Pumasok ako sa hotel at hinubad ang suot na dress dahil naabot ng tubig ang ladlaran niyon. Pumasok ako sa banyo at ang shower para matanggal ang lahat ng alikabok dahil sa biyahe namin kanina.
Gusto kong lumangoy sa malinaw na tubig. May mga adventures rin doon na gusto kong ma-exprience kaya't dali-dali akong nagpalit ng swimsuit.
Abot ang paganda ko sa kadahilanang pang-sarili at hindi dahil naririto si Apollo. Malamang ay invited rin siya sa party mamayang gabi ngunit wala naman akong interest na pumunta roon.
Itinali ko ang mahabang malong sa aking bewang at tanging bra lang ang pang-itaas ko. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko na naghihintay sa akin si Giaco habang may kausap ito sa kanyang cellphone. Nang mapansin na papalakad na ako sa elevator ay sumunod na ito sa akin.
Agad kong inilatag ang beach mat sa isolated na parte ng beach. Hindi naman ako natatakot dahil kasama ko naman si Giaco.
Inalis ko ang malong at agad na lumusong sa dagat. Sa una ay malamig iyon hanggang sa masanay na ako. I float on my back and watched the blue sky nang makuha ng ingay ng jet-ski ang aking atensyon.
Ang mga kalalakihan ay nagka-karera habang may angkas na mga babae. I want to try that pero gusto ko, ako ang magda-drive. Lumangoy ako pabalik sa pampang at nilapita si Giaco.
"Where can I rent those jet-skis? I want to try it."
"Miss, it's too dangerous."
"That's why it's fun." Tinapik ko ito sa braso at ngumiti. Naglakad ako papunta sa mataong lugar para magtanong kung saan makakarenta nito. Walang nagawa si Giaco kundi sundan lang ako.
Nadismaya ako nang malaman na wala ng available na jet-ski ng dahil sa nagaganap na karera. Wala akong nagawa kundi manood na lamang habang nag-aapoy ang kalooban.
Habang nakatayo ay inikot ko ang paningin. Siguro ay dahil hinahanap ang pamilyar na pigura ni Apollo. Ngunit, nadismaya na naman ako nang magtama ang mga mata namin ni Harley.
I groaned when he come near me pero binalewala niya iyon. "I heard you want to ride a jet-ski."
Nagliwanag ang aking mukha. "You have one?"
"Yeah. But you have to ride it with me."
"Babayaran ko kahit magkano, basta 'di lang kita kasabay."
"Take it or leave it, 'miss'." He emphasized the last word.
"Can I be the driver?" I asked.
"No problem.." Inilapit nito ang mukha sa akin. "...but can I hug you from the back?"
Tiningnan ko si Giaco at sumenyas na may ibubulong sa kanya. Yumuko ito upang maabot ko. "What is it, miss?"
"May bakante bang drum dyan? Pwede ba natin siyang ilagay roon?"
"I've heard that. Are you a psychopath?" Binalik ko ang atensyon kay Harley. "Saan mo ako gustong humawak?"
"Magtatali nalang kami ng salbabida sa likod ng jet-ski. Tapos doon kita ilalagay." Naaaliw kong sabi habang ini-imagine ang itsura nito roon. Nang gumaan na ang loob ko kay Harley ay pumayag na ako sa condisyon nito.
He looked at Giaco and nodded at him. "I'll keep her safe."
Giaco touched the wireless ear-pod on his ear. "Keep the man above ready."
Is he saying that Papa employed a professional sniper for me?! What the hell. That's too overprotective.
Sumunod ako kay Harley hanggat sa makarating kami sa kinaroroonan ng jet-ski nito. Inabot niya ang nakapatong na life vest at marahang isinuot iyon sa akin.
"Raise your arms so I could adjust the tightness." Sabi niya na agad ko namang sinunod. After niyang ayusin ang life vest ko ay sinuot naman niya ang kanya.
"Ready?" Tanong niya sa akin nang matapos siya. Tumango ako.
Nabigla ako nang hawakan nito ang magkabilang bewang ko at iniangat upang makasakay sa jet-ski bago siya sumakay.
"You know how to drive?"
"Yes. I know the basics." Pagmamayabang ko.
"Good. Let's have some fun, shall we?" Inilapit nito ang labi sa aking tenga. Halos manayo ang mga balahibo ko sa init ng hininga nito.
"Hold on tight, baby." I teased after starting the jet-ski's engine. Tumatawa sa aking mukha ang malamig na hangin at naramdaman ko ang pagpalupot ng mga bisig niya sa aking bewang.
It was fun, indeed. Nang masanay na ay sumali ako sa karera. I didn't win but it was fun that I forgot where I am and who I'm with.
Bababa na ang araw nang bumalik kami sa pampang ni Harley. He's a gentleman, wala itong ginawa na nakakabastos sa akin habang yakap niya ako kanina.
Hinubad ko ang life vest at binigay iyon sa kanya. "Thank you for today."
"Bayad na ko sa pang-aasar ko sa'yo kanina, ha." Tukoy nito sa pang-iinis nito sa akin n'ung umaga.
"Miss, it's getting dark. Your father is calling." Singit ni Giaco sa usapan namin.
"Oh, okay. Uhm, bye, Harley." Saad ko nang ibalik ko sa kanya ang atensyon.
"I'll see you at the party later?"
Umiling ako. "No. I can't stand noisy places."
"Then we can lay a beach mat here and have a drink." Pilit nito.
Umiling akong muli. "I'm sorry. I'll see you in the morning instead."
Tumango ito at nagbuntong-hininga. "Alright. See you then."
Habang pabalik kami sa hotel ay napansin ko na naglalakad si Apollo pasalubong sa amin. Walang ekspresyon na makikita sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin.
Napansin ko ang babaeng nakakapit sa braso nito— it was Anabel. Hindi niya ako napansin dahil na rin nakatingin ito sa kanyang cellphone.
Ano ang nakita ni Apollo kay Anabel? May similarities ba sila ni Tallia kaya mas pinili niya ito kaysa sa akin? May pagkukulang ba ako na napunan ni Anabel sa kanya?
Apollo's eyes moved from my feet up to my head, I got a little conscious about my body. Hindi ko kasi alam kung kinukumpara ba niya ako kay Tallia or iniisa-isa nito ang flaws ko. I don't know.
Nilagpasan lang namin ang isa't-isa na para bang hindi kami magkakilala. Yumuko ako habang naglalakad. Walang pinagkaiba ang buhay niya kahit wala ako. Isang patunay na hindi ako mahalaga sa kanya.
Walang simula, pero nagtapos.
—————
UPLOADED: 5-28-15
REVISED: 07NOV2020SK<3
BINABASA MO ANG
TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)
RomanceCOMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that. Very much." Tinaasan ko ito ng kilay. Minamaliit nya ang kakayahan ko. "At kapag nagawa ko?" "Pakaka...