Hi, thank you for supporting this story. Here's another update. Also, thank you for the encouragements when I'm not feeling okay. You all fill the emptiness inside of me. Thank you!
—————
CHAPTER 34
HANNAH ERA
Dalawang araw ng naninirahan sa amin si Apollo. Ngunit madalas ay nagugulat pa rin ako kapag nagkakasalubong kami sa bahay, sinasanay ko pa rin ang aking sarili sa presensya nito.
Parang nagkaroon rin ng instant na lalaking anak si Papa dahil masyado siyang focus kay Apollo. Minsa'y naabutan ko ito na tinuturuan si Apollo na magsampa ng sako-sakong palay para ipa-rice mill. Siguro'y sinusubukan ni Papa kung paano ito makitungo sa mga tauhan niya.
N'ung unang araw ay halos hindi ito makakain ng hapunan dahil sa pagod at nang bisitahin ko siya sa kwarto niya ay malalim na ang tulog nito.
"Apollo, dito mo dalhin ang mga sako. Kailangan isalin ang darak." Utos ni Papa na agad namang sinunod ni Apollo.
Dahil sa init ay halos maging transparent ang puting damit nito sa pawis. Napapansin ko tuloy na natitigilan sa paglalakad ang mga dumadaan at pati na rin ang mga babaeng beterenaryo namin.
Napuno ng alikabok ang paligid dahil sa rice milling at si Apollo naman ay iniangat ang damit para punasan ang tumatagaktak na pawis. Napalunok ako nang masilayan ang magandang hugis ng katawan nito.
Tila naramdaman nito na nakatingin ako kaya't lumipat ang mata nito sa aking direksyon. Patakbo itong lumapit sa akin. "What are you doing here? Maalikabok at makati rito."
"Gusto ko lang makita kung ano-ano ang pinapagawa sa'yo ni Papa."
Nagkamot ito ng batok habang ngumingiti. The muscles on his arms flexed. Nakadagdag rin sa karisma nito ang tattoo sa kanyang braso. "Hindi naman ako nahihirapan. I'm enjoying this actually."
"You got tanned."
"But still good looking?"
Inirapan ko ito. "Yeah, damn you."
"Boy, 'di pa oras ng landi. Bumalik ka dito." Tawag ng isang tauhan kay Apollo. Hindi ko napigilan ang pagngiti dahil sa umugong na tuksuhan.
"I'll see you at dinner?"
Tumango ako. "Y-Yeah—"
"Ano'ng dinner 'yan?" Singit ni Papa. Hindi ko namalayan na malapit na pala ito sa amin. "Sa piggery tayo mag-di-dinner mamaya. Nagle-labor na 'yung tatlong inahin doon."
"'Pa! 'Di naman vet si Apollo."
"Ah, basta!" Pilit nito. "Kailangan ng assistant ni Miss Rose at Miss Payne mamaya. Bumalik ka na roon, Apollo, para matapos na tayo at makapagpahinga na. Bilisan natin, malapit ng mag-alas-kwatro."
"Opo, sir." Sagot nito at bumalik na sa kamalig para tumulong na magsako ng ipa.
Naiwan kami ni Papa at pinagtaasan niya ako ng kilay. "Ano? Gutom ka na ba kaya ka nakatingin sa abs niya? Akala mo pandesal?"
"'Pa, nang-iinis ka ah, ngayon na nga lang ako lumabas, e."
"Bakit? Nagtatanong lang ako. Bumalik ka na sa bahay, mangangati ka lang dito."
BINABASA MO ANG
TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)
RomanceCOMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that. Very much." Tinaasan ko ito ng kilay. Minamaliit nya ang kakayahan ko. "At kapag nagawa ko?" "Pakaka...
