CHAPTER 13

110K 2.7K 335
                                        

CHAPTER 13


HANNAH

Ni isang beses ay hindi ako tinapunan ng tingin ni Apollo ay nanatili lang ang atensyon nito kay Anabel. Hindi ko rin naman alam kung ano 'yung isisingit kong usapan dahil hindi ako pamilyar sa topics nila.

"You remembered Asahi, right? The famous curly boy. He married our substitute professor last year. Aren't you invited?"

"I am but I had a lot on my plate. I just sent a simple gift." Sagot ni Apollo.

Nakasunod lamang ako sa kanila at mahigpit pa ring hawak ang bote ng tubig na binili ko para kay Apollo. Kinagat ko ang ibabang labi nang makitang inilagay nito ang kamay sa bewang ni Anabel habang naglalakad.

"Uhm, ano..." Sambit ko. Lumingon sila sa akin at agad kong sinalubong ang titig ni Apollo. Naiirita pa rin ito sa akin. "CR lang ako."

"Ah, okay. Pwede na mauna na kami na sumakay ng rides? Doon lang kami sa shuttle." Tanong ni Anabel. "If gusto mo rin sumakay, wait ka nalang namin."

Nilipat ko ang tingin kay Apollo. Nagbabaka-sakaling mabasa nito ang ekspresyon ko. Ngunit bigo ako, wala itong pakielam. Para ngang gusto niya talaga akong iwanan.

Ngumiti ako. "Sige, una na kayo, takot naman ako sa heights."

Sana naman, maging masaya ka na. Hindi ko na pinipilit 'yung gusto ko.

"Okay. Wait for us nalang sa exit."

Tumango ako at pinanuod ko lang sila na maglakad paalis. Ilang beaes akong lumunok, para pigilan ang nagwawalang damdamin. Matagal akong tumingin sa langit, para lang hindi tumulo ang luha ko.

Pero, atleast, suot ni Apollo 'yung bracelet na ginawa ko para sa kanya. Gawa iyon sa maliliit na black beads kaya hindi naman iyon agaw pansin. Alam kong itatapon rin naman niya iyon pagkatapos ng araw na ito, pero masaya na rin ako dahil sinuot niya.

Pagkatapos kong umiyak sa CR at magretouch ay pumunta na ako sa rides na sinasabi nila. Sakto na papasakay palang sila roon kaya naabutan ko kung paano siya alalayan ni Apollo.

He's hurting me on purpose.

"Apollo, pinangako ko naman na huli na 'to. Isang araw lang naman pero bakit hindi mo matiis?" Bulong ko sa aking sarili.

Gusto kong sumakay roon habang sinisigaw na mahal ko siya. Pero, nasira ang plano na iyon. Ngunit hindi pa siguro huli ang lahat, marami pa namang exciting na rides. Saka hindi pa naman gabi, marami pa akong oras.

At marami pa rin siyang oras para pahirapan ako.

Natapos ang rides at masayang bumaba ag dalawa. Habang pababa sila ay napansin ko na wala na ang bracelet na bigay ko kay Apollo. Lumapit ako sa kanila nang nakalabas na sila.

"Apollo, I'm so sorry." Hinging paumanin ni Anabel.

"It's alright. Hindi naman natin ginusto ang nangyari." Nakangiting saad ni Apollo.

"Ano'ng nangyari?" Parang may kutob na ako pero gusto kong makasigurado.

Humarap sa akin si Anabel. "Nahatak ko kasi 'yug bracelet niya n'ung pinilit ko na itaas niya rin 'yung kamay niya kanina sa taas."

Nanigas ako at tumingin kay Apollo. Alam niyang bigay ko iyon sa kanya. Please, magalit ka para sa akin. Please, Apollo.

"It's okay. Hindi naman maiiwasan. Let's just forget about it." Saad niya bago itapon sa basurahan ang mga natitirang beads.

Tinapon niya.

Tinapon niya habang nakaharap ako.

Nakiusap naman ako nang maayos na suotin niya iyon kahit ngayon lang.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon