Special Chapter 1

54.1K 579 39
                                    

HANNAH

Naalimpungatan ako nang marinig ang malakas na pag-iyak ni Bella Rae mula sa kanyang crib. Apat buwan na ito at apat buwan na rin akong walang maayos na tulog. Hindi ko naman maaaring istorbohin si Apollo dahil alam kong pagod rin siya sa trabaho at negosyo namin. Hindi biro ang maging ina dahil hindi ko kayang tiisin ang anak ko.

Inalis ko ang braso ni Apollo sa aking bewang at bumangon. Humikab ako ng isang beses bago tuluyang tumayo at lumapit sa crib ni Bella. Yumuko ako at inabot ang hita nito at hinipo kung basa ang lampin. Nang malaman na hindi ay mahina ko itong tinapik.

"Shh, shh. Mommy is here, sweetie." Bulong ko ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.

Napabuntong-hininga ako at binuhat ito mula sa crib at inilagay sa aking mga bisig. Mahina akong umugoy upang mapabalik ito sa tulog. Umupo ako sa rocking chair at inilabas ang isang dibdib dahil baka nagugutom lang ito.

Tumahan ito nang maabot ang aking dibdib. Sumandal ako sa crib habang pinapanuod siya. Hindi ako maaaring matulog dahil baka mabitiwan ko ito. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha.

I am so tired.

My body changed so much after giving birth.

Every night, I am sleepless.

Noong una ay excited pa ako sa paglabas ni Bella ngunit ngayong nararamdaman na ang pagod ay parang gusto ko nalang tumakbo palayo.

I can't go out with my friends anymore. My child took away my freedom.

"'My, why are you weeping?"

Napasinghap ako. Hindi ko namalayan na nagising ko na si Apollo at nakatayo na siya sa aking harapan.

"I'm... I'm sorry. Nagising ba kita?"

Lumuhod ito sa aking harapan at pinunasan ng kamay ang aking luha. May bahid ng pag-aalala sa kanyang mga mata.

"I'm sorry. I'm so sorry." Hikbi ko.

Kinuha nito sa aking bisig si Bella nang mapansin niya na mahimbing na itong natutulog. Habang binabalik niya ito sa crib ay inayos ko naman ang aking damit. Bumalik siya sa akin at lumuhod muli sa harapan ko.

"Tell me, why are you crying?"

"It's nothing, I promise."

Halatang hindi ito kumbinsido sa aking sinabi. "Be honest with me, so I can help you."

"I'm..." Tumingin ako sa taas at mariing pumikit. "I'm so tired. I'm exhausted, 'dy. It feels like everything changed including my body and it pains me that I feel so unattached to Bella."

Binuhat niya ako mula sa rocking chair at inilabas ng silid. Bumaba kami papunta sa living area at umupo siya sa couch habang ako ay nakaupo sa ibabaw ng kanyang hita.

"There is nothing wrong with your body. Normal lang iyan dahil nagbuntis ka. Aren't you happy na may Bella tayo ngayon?"

"Masaya ako, 'dy. Pero napapagod na ko."

"Gusto mo ba ay magdagdag pa tayo ng kasambahay para—"

"Para ano?! Para siya ang magpasuso sa bata?!" Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng aking boses.

"Don't raise your voice. I am not raising mine."

Umalis ako sa pagkakaupo sa kanyang hita at pabalik-balik na naglakad sa kanyang harapan. "I've told you I am not ready for this. Ni hindi ko pa nga maasikaso ng tama ang sarili ko at heto at dinagdagan ko pa ang aking responsibilidad."

"Don't say it like you hate our child, Hannah."

"I do not mean it that way."

Tumayo na rin ito. Madilim ang kanyang ekspresyon. "Hindi, iyon ang pinupunto ng conversation na ito."

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon