HANNAH
Naptingin ako sa ibaba nang marahang hilahin ni Bella ang aking pants. "Mommy, asa ta muadto?" (Mommy, saan po tayo pupunta?)
Lumuhod ako upang maglebel ang aming mga mata. Inayos ko ang pink na ribbon nito sa buhok at pagkatapos ay hinawi ang kanyang buhok. She is now six years old at hindi siya katulad ng ibang mga bata.
Bella is very timid and introvert. Hindi siya madalas na nakikihalubilo sa kanyang mga kaklase, kaya nag-aalala ako sa kanya. Active naman ako sa lahat ng bahay. Siguro ay namana niya ang kanyang ugali kay Apollo.
"Atong bisitahon imong grandparents sa Luzon. Gimingaw na daw imong Lolo ug Lola sa imo." (Dadalawin natin ang grandparents mo sa Luzon. Namimiss ka na raw nila Lolo at Lola.)
"Is everything ready? Kailangan nating makaalis bago mag-alas dos." Pumasok si Apollo mula sa main door at agad na lumapit sa amin.
"Daddy, why are you not speaking in Cebuano?"
Nagkatinginan kami ni Apollo. Kahit ilang taon na kasi ay hindi pa rin niya gamay ang lenggwahe.
Napakamot ng ulo si Apollo bago nito binuhat sa kanyang mga bisig si Bella. "I'm still not good with it. I'm not like your Mom who's too good at everything."
"Then, if I go to Lolo at Lola's place... should I speak in Tagalog?"
"Not if you don't want to. You can talk to them in Cebuano and Mommy will translate it for them."
"Will my cousins hate me if I do that? I mean, they are all from Luzon and..."
"But you can understand what they are saying, my love. Why would they hate you? Aren't you too young to think like that?"
Nagpababa si Bella kay Apollo na agad namang ginawa ng kanyang ama. Lumapit ito sa akin at niyakap ang aking hita upang magtago roon.
"Di ko muuban, Mommy. Diri na lang ko." (Ayaw kong sumama, Mommy. Dito nalang ako.)
"Ngano man?" (Bakit?)
"Di man sad ko nila masabtan didtua." (Hindi naman nila ako maiintindihan doon.)
Napalunok ako nang mapansin ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Kinarga ko ito at umupo kami sa couch habang si Apollo ay tahimik lang na nakamasid sa amin.
"Sweetheart, they can understand English. You can communicate using that language."
"But I love speaking in my native language, mommy."
"Then, that's okay, too." I kissed her forehead and pulled her head on my chest. "Kasabot man ko nga nahadlok ka pero naa ra man si Mommy. Naa ra ko sa imong tapad, okay? Ug si Daddy, dili ka niya pasagdaan nga naay mambully sa imuha didtua kay tungod di ka kabalo magtagalog." (Naiintindihan ko na natatakot ka pero nandito naman si Mommy. Lagi lang akong nasa tabi mo, okay? Saka si Daddy, hindi niya hahayaan na may mam-bully sa iyo doon dahil lang hindi ka marunong magtagalog.)
"Atik-atik na lang siguro kog amang, mommy? Pero, di sad ko kabalo mag sign language." (Magpanggap nalang kaya akong pipe, mommy? Kaso, hindi ako marunong mag-sign language.) Lumungkot ang mukha nito.
Sabay kaming natawa ni Apollo. Jusko, ano ba ang nasa isip ng batang ito?!
"My love, they won't buy it. Alam nilang nagsasalita ka kasi dinala ka na namin doon n'ung two years old ka, sobrang ingay mo." Naiiling-iling na saad ni Apollo.
Umupo ito sa tabi namin at nilagay ang kamay sa likod ng sandalan ko. Hinaplos ng isang kamay niya ang mahabang buhok ni Bella.
"Ganito nalang, bibisitahin natin doon sila Lolo at Lola tapos gagala tayo."
BINABASA MO ANG
TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)
RomansaCOMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that. Very much." Tinaasan ko ito ng kilay. Minamaliit nya ang kakayahan ko. "At kapag nagawa ko?" "Pakaka...
