CHAPTER 37
HANNAH
"What? No! Are you insane?!"
"This is a private villa. Binayaran ko 'to para masolo natin buong gabi. No one will bother us."
"Still! You're crazy!" I snapped. "Ilang oras biniyahe natin para dito?"
"If you aren't going, then I will." Mabilis akong tumalikod nang hawakan nito ang boxer na suot. Tumawa ito ng malakas at ang sunod kong narinig ay ang lagaslas ng tubig.
Unti-unting akong humarap sa kanya at wala na ito sa dalampasigan. Tumingin ako sa dagat at nakita ko ito na lubog na ang kalahati ng katawan sa tubig. Pinulot ko ang mga damit nito na nagkalat at nilagay sa batuhan. Inayos ko ang ang aking dress at umupo sa pinong buhangin.
"Hannah, hindi ka talaga lulusong?"
"Hindi. Hindi mo ko maaakit na pumunta dyan." Matatag kong sabi sa kabila ng mabilis na pintig ng aking puso. Kahit madilim ay hindi ko pa rin kaya na gawin ang ginagawa nito.
Naglaro lang ako sa aking cellphone habang hinihintay itong umahon. Ngunit tila wala na akong naririnig na lagaslas ng tubig. Tumingin ako sa dagat at nakaramdam ng kaba nang hindi ko na maainag si Apollo.
"Apollo?" Sigaw ko. "Apollo, 'wag mo kong takutin!"
Walang sumasagot kaya't mas lalo akong kinabahan. Binitiwan ko ang aking cellphone at patakbong lumusong sa dagat, suot pa rin ang aking dress. Hindi ko na inisip kung may pamalit ba akong damit at ang tanging nasa isip lang ay kung nasaan si Apollo.
"Apollo?!" Tumulo na ang aking luha sa sobrang pag-aalala. Nasa ibaba na ng aking dibdib ang tubig ngunit hindi ko pa rin ito maaninag.
"You called?"
Mabilis akong humarap nang marinig ang boses nito sa aking likuran. Nanigas ito nang makita akong umiiyak. Niyakap ko siya habang humihikbi.
"It's just a prank. Sorry. Hindi ko alam na matatakot ka."
"You're an asshole!" Kinabog ko ang dibdib nito habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko.
"I'm sorry." Bulong nito.
"Nabasa 'yung damit ko, kasalanan mo 'to."
"Pinanghawakan mo talaga na hindi ka magi-skinny dip, huh?" He said amusingly.
"Paano ako uuwi nito?"
"We'll think of something later. For now, let's enjoy the moment." Unti-unti itong lumayo sa akin. Bigla kong naramdaman ang lamig n'ung hindi na nito ako yakap.
"Why are you moving away?" Sita ko sa kanya.
"I'm naked." He smiled playfully. "Come here if you want me to hold you."
He opened his arms. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Mabilis ang tibok ng aking puso at nagsimulang maglakad palapit sa kanya. Isang ruler nalang ang layo namin sa isa't-isa ngunit hindi pa rin niya ako hinahawakan. We stared at each other. His eyes are hooded with hunger and lust, same as mine.
Ilang buwan kaming hindi nagkita, magkagayunman, hindi nawala ang atraksyon ko sa kanya. Dinantay ko ang aking nga braso sa balikat niya at hinila ito palapit sa akin.
"Did you miss me?" I liked the deep, seductive quality of his voice. Liked his musky scent that swept around me upon the breeze, taunting and tempting.
I rested my forehead to his. "Four months? Hindi naman."
He chuckled. "Ah, I see the changes now."
BINABASA MO ANG
TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)
RomanceCOMPLETED | Y2015 - Y2021 "I'll make you fall in love with me, Apollo." "Make me fall?" Umayos ito ng upo. Nanliit ang mga mata nito. "I doubt that. Very much." Tinaasan ko ito ng kilay. Minamaliit nya ang kakayahan ko. "At kapag nagawa ko?" "Pakaka...