CHAPTER 20

110K 2.7K 427
                                        

CHAPTER 20


HANNAH

Hiyang-hiya si Harley nang dahil sa nagyari at nanghingi ng dispensa kay Mama habang ao kay patagong tumatawa. Ito ang unang beses na pinakilala ko si Harley bilang boyfriend ko pero hindi maganda ang naging introduction.

"It's fine, hijo. May mga panahon talaga na natatalo tayo sa laban." Halatang pinipigilan ni Mama ang kanyang tawa para hindi na mahiya pa si Harley.

Nag-usap pa si Mama at Harley ng ilang oras bago mapagdesisyonan nito na umuwi na. "Mauuna na po ako, tita. Bukas ko nalang po ulit pupuntahan si Hannah."

Kumunot ang noo ko at hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa kanyang hita. "Monday bukas. 'Di ba may pasok ka n'un?"

"Sa umaga lang. Sa hapon ay pupuntahan ulit kita. Let's redo our monthsary celebration."

"Hindi na. Okay na 'yung kanina. Memorable naman."

"Teka, isang buwan na ang relsyon niyo?" Nagtatakang sabat ni Mama.

"Hindi, Mama. Kanina ko lang siya sinagot pero akala niya ay sinagot ko na siya last month."

Pinisil ni Harley ang kamay ko. "Masyado mo na kong pinapahiya kay Tita. Baka akala niya patay na patay ako sa'yo."

"Totoo naman!" Nakangisi kong sabi.

Pagkatapos umalis ni Harley ay muli ng sinara ng mga kasambahay ang gate samantalang kami ni Mama ay nakatayo lang mula sa front door. Napabuntong-hininga ako habang nakangiti.

"I've never seen you this happy, Hannah."

I gave my mother a gentle hug and her hand brushed my hair. "Harley put a smile on me."

"That's good. That is very good."

Labis akong naging masaya sa mga araw na magkasama kami. Ni hindi ko na nga namalayan na dalawang taon na aming relasyon. We always celebrate our New Years and Christmas with our families and friends.

Kahit na hindi na-secure ng tatay nito ang posisyon bilang Mayor sa nakaraang halalan ay hindi ito nagtanim ng galit sa aming pamilya. Ngunit ang pangako ni Papa ay susuportahan siyang muli nito sa susunod basta't lagi lang akong pasayahin ni Harley.

Harley's a very nice guy and responsible. Kahit na may mga instances na ako ang nagi-insist ay hindi pa rin niya itinutuloy na angkinin ako.

"Hindi pa rin pwede?" Malungkot kong tanong sa kanya nang lumayo ito sa akin at paulit-ulit itong naglakad sa harap ng kama.

Isinuklay niya ang kamay sa kanyang buhok. Tanging itim na boxers nalang ang natitirang suot nito samantalang ako naman ay wala ng saplot at tanging kumot nalang ang ginawang pantakip.

"Hannah, I'm sorry. I just cherish you too much." Hindi ako makatingin sa kanya sapagkat hinihila ng magandang katawan nito ang aking atensyon. Lumunok ako at kinagat ang ibabang labi. He's hard. "Love, eyes are up here."

I stared at him and licked my lower lip. I heard him groaned in frustration. I removed the blanket and walked towards him.

"Harley..." My hands travelled from his shoulder down to his waist. His eyes turned to other direction, refusing to look at my nakedness. "Sa'yo ko lang 'to ginawa. Are you going to reject me?"

"Y-Yes." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at bahagyang tinulak palayo.

Pinulot nito ang hinubad na long sleeves at sapilitang sinuot sa akin. Umabot hanggang sa kalahati ng aking hita ang haba niyon.

"Hannah, I'm sorry but we can't do this. I cherish you too much." He said. Pansin ko ang paghihirap nitong pigilan ang sarili. Nanginginig rin ang mga daliri nito habang isa-isang binubutones ang isinuot sa aking damit. "And we're not married."

"Let's get married then." I proposed.

Natigilan ito. "Are you serious?"

Tumango ako. "Una palang, sigurado na ako sa'yo, Harley."

Niyakap niya ako ng mahigpit at pabagsak kaming humiga sa kama. Rinig ko ang mabilis na pintig ng kanang puso. "My dear girl, hindi mo man lang hinintay na mauna akong magpropose."

"Hindi ka naman magpo-propose." Bulong ko.

Tumawa ito ng mahina at bahagyang lumayo sa akin para abutin ang bedside table. Kumunot ang aking noo nang may kinuha ito roon na maliit na bagay. Nang bumalik ito sa tabi ko at buksan ang itim na kahon ay halos maluha ako sa saya.

It's a ring!

Hindi ko napigilan ang aking sarili at humagulgol ako sa saya. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak lang ng umiyak.

"Hey, calm down. Wala pa akong sinasabi." Sabi nito habang hinahaplos ang aking likuran.

"You're.... proposing..." Hikbi ko.

He chuckled. "Hindi. Binebenta ko 'to sa'yo. Need ko ng additional cash."

Gusto ko sana itong sapakin pero masyado na akong nanghina dahil sa kakaiyak. His proposal is not romantic. Walang big event, walang parties, at walang flash mobs. Kaming dalawa lang at sa kama pa niya.

Pinaupo niya ako sa dulo ng kama habang patuloy ako sa paghikbi. Lumuhod ito sa aking harapan. "Hannah, will you be my wife?"

Tumango lang ako habang patuloy na pinupunasan ang luha. He cupped my face and gave me a light kiss on the lips. "Tahan na, love. Magiging pangit ang picture natin kapag patuloy kang umiyak."

"Bakit... 'di mo pa sinusuot sa akin... 'yung ring? Nasaan na?!" I demanded.

"Hindi mo pa ako sinasagot." Ngumisi ito ng nakakaloko.

"Oo na nga! Oo na! Ako nga nagpropose sa'yo kanina eh!"

He put the ring on my finger before giving me a  sweet and hard kiss. We just talked tonight while embracing each other. "I'm so happy, Harley. Thank you for everything."

"No, love. Thank you for making me a better man everyday."

After namin ipaalam sa aming mga parents ang  pag-level up ng relasyon namin ni Harley ay agad ko rin iyung binalita sa aking mga kaibigan.

I even posted it on facebook with a caption: "I could be anything in this world but I wanted to be his."

Comment from Freya: Parang dati lang umiiyak ka, ngayon ay ikakasal ka na. Sana all. Anyway, congratulations!

Comment from Adonis: Sa wakas, may nagtali rin sa'yo. Hindi mo na kailangan pang maghabol. Congratulations!

I responded to their comments. "Bakit may patutsada kayo 'dyan? Maging masaya nalang kayo para sa akin."

Marami ang nagco-comment sa photo na in-upload ko at habang nilo-load ko ang lahat ng comments upang basahin ay may nakakuha ng aking atensyon.

From Apollo: Congratulations. I guess nothing will be the same anymore.

—————

UPLOADED: 6-8-15
REVISED: 11Nov2020

SK<3

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon