CHAPTER 36

61.4K 1.2K 48
                                    

CHAPTER 36


HANNAH

Apat na buwan na ang lumipas simula n'ung umalis sa hacienda ni Apollo. Ngunit hindi roon naputol ang komunikasyon namin. Paminsan-minsan ay nag-te-text ito sa akin at nagpapadala ng mga rosas sa bahay. Approve na rin sila Mama at Papa kay Apollo dahil sa tiyaga nito sa akin. Tinupad nito ang sinabi na handa siyang maghintay para sa akin.

Inaya ko sila Mama na kumain sa labas para naman maiba ang hangin na nasasamyo namin. Dahil kasi sa pagiging abala namin ni Papa sa hacienda ay hindi na kami umaalis ng bahay.

"I'll have the roasted beef and mashed potato." Sabi ni Mama habang tinuturo ang in-order sa menu.

"Pesto pasta and salad lang ang sa akin." Saad ko habang bino-browse ang menu.

"Ako, akaroa salmon, shakshouka, and roast chicken." Wow, 'pa, hindi tayo diet ngayon ah.

"How about wine?" Offer ng waiter.

"That's fine." Sagot ko.

Tumango ang waiter at ngumiti sa amin bago umalis. Kasalukuyan kaming nagkukwentuhan nang may lumapit sa amin na dalawang lalaki. Nakasuot ito ng suit at may hawak na violin.

Kumunot ang noo ko. "Can I help you?"

"Miss Hannah Era Ramos?" Tanong ng isang violinist.

"Ah, yeah, that's me."

"We're hired by your secret admirer."

"Oh." Sabay na panunukso ni Mama at Papa.

"This performance is solely dedicated to you, Miss Hannah." Saad nila bago ilagay sa balikat ang violin at nagsimulang umalingawngaw ang matamis na tunog niyon.

They played 'Never had a dream come true' by S Club 7. Hindi ko mapigilan ang pagngiti nang maisip si Apollo. He's giving me enough space to move on from my past relationship, but he's not letting me forget about him. Palagi itong nagpaparamdam.

Nagulat ako nang may isang malaking rosas na lumitaw sa aking harapan. Inabot ko iyon bago tingnan ang nagbigay sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Apollo na nakatayo sa aking gilid.

"Hi." He smiled sweetly.

He was dressed in his typical outfit—blue jeans, a casual t-shirt that showed off his amazing body. His hair was styled and he was clean-shaven. And he was staring at me as if he wanted to throw me down in the table and strip me naked, take me right there and not care who saw him do it.

"What... H-Hi." Tila tumigil ang mundo nang magtama ang aming mga mata. Hindi ko na rin narinig ang musika na dala ng violin.

Lumuhod siya upang maging lebel ang aming mukha. "Surprised?"

"I didn't expect na pupunta ka ng Cebu."

"I can't miss your birthday." Inilagay nito sa likod ng aking tenga ang tumakas na hibla ng aking buhok. He was overpowering this close— vividly male, abrasively masculine.

Humila ito ng upuan at umupo roon. N'un ko lang napansin na nasa ibang mesa na sila Mama at Papa. Ngumiti sila ng mapanukso at kumaway sa gawi namin.

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon