CHAPTER 3

102K 2.5K 506
                                    

HANNAH

Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang aking kamay sa mesa niya para magkalapit ang aming mukha.

"Anything else, sir?" I said seductively.

"Yes." He always stays on guard.

Inabot ko ang kanyang necktie at nilaro iyon. "Tell me what it is and I'll get rid of it immediately."

"Get rid of yourself, please." Malamig niyang sabi at binawi ang necktie niya. Inabot niya sa akin ang flashdrive. "Email the files to Ong Industries."

Padabog kong kinuha ang flashdrive at tumalikod. Nairita ako sa sinabi niya. Halos matulog ako sa salon pero kulang pa rin?! Pagkatapos ng office hours ay mas nauna na akong umalis. Nagtatampo ako sa kanya. Hindi siya marunong tumingin ng maganda.

Inaya ko si Freya, college friend namin ni Adonis, sa isang bar.

"Kamusta ang panliligaw mo?" Tanong niya.

"Eto, walang improvements." Sabi ko habang hinahalo ng straw ang aking juice. "Siguro, kailangan ko ng gamitan ng dahas."

"Dahas? Itatali mo ba? Saan? Pwedeng manood?"

Naitikom ko ang aking bibig nang may pamilyar na pigura akong nakita. Parang si Apollo iyon ngunit may kasama itong babae. Dali-dali akong tumayo sa aking upuan. "Wait. Si Apollo."

"Nasaan?"

Iniwan ko si Freya at tiningnan kung saan nagpunta ang taong iyon. Dinala ako ng aking mga paa sa madilim na bahagi ng bar. Halos madurog ang aking puso bang makita na hinahalikan niya ang babae habang nakadiin ito sa dingding.

"Apollo?"

Hinaklit ko ang kanyang balikat at napatigil sa ginagawa niya. Nakayakap pa rin ang babae sa kanyang balikat. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"What are you doing here?"

Nanggigil ako. We have a deal, a-hole! Mabuti nalang at mababaw ang luha ko, madali akong umiyak.

"How dare you! Akala ko nagtatrabaho ka. Iyang babae ba na iyan ang dahilan kung bakit mo kami iniwan ng anak mo? Walang kwenta kang ama." Mas ginalingan ko pa ang aking acting skill para mas convincing.

Lumayo siya sa babae at tuluyang humarap sa akin. Magkasalubong ang kanyang kilay. "What are you saying?"

Tumingin ako sa babae na ngayon ay litong-lito sa nangyayari. "Miss, alam mo bang may asawa na ang kinakalantari mo at may pamilya kang sinisira?"

"I-I'm so sorry. Ang sabi niya sa akin single siya!" Wow! Madaling maniwala ang babaeng ito. Napatakip ako sa aking bibig nang lumipad ang palad nito sa pisngi ni Apollo.

Tangkang aalis na ito nang hawakan ni Apollo ang kanyang braso. "Wait, Shara."

Sinampal niyang muli si Apollo. "My name is Sharmaine, asshole!"

Tuluyan nang umalis ang babae. Matalim akong tiningnan ni Apollo. Mariin niyang hinawakan ang magkabilang braso ko. Napangiwi ako sa sakit.

"Do you know what you have done?!"

"It's your fault. We have a deal! Nakakainis ka na! How can I make you fall if you're flirting with other girls?!" Inis kong sabi.

"I'm a man with needs!" He roared.

"At akala mo hindi ko kayang ibigay ang hinihingi mo? Kaya ko!"

"Prove it."

Tumingin ako sa paligid. Madilim man sa bahaging ito, marami pa ring tao. Napalunok ako at ibinalik ang titig kay Apollo. "H-Here?"

TEMPTING THE BEAST(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon