Chapter 9
Kinabukasan after class, habang naglalakad ako palabas ay nag-message sa akin si Adler.
adler.frdnz: rooftop tayo.
Nagpaalam muna ako kila Sav na hindi ako makakasabay umuwi dahil may pupuntahan pa ako. Medyo natagalan pa ako dahil inasar pa nila ako na baka daw bukas hindi na 'ko single.
Hindi ko na siya sinagot at pumunta na lang do'n. Hindi na ako sinita ng guard dahil siguro nakilala ako na kasama ni Adler kahapon. Pagka-akyat ko sa rooftop ay nakita ko siyang nakaupo. Do'n mismo sa may railings ng rooftop.
May naisip ako. Tahimik lang akong naglakad at nang nasa likod na niya ay ginulat ko siya.
"Boo!" Nagulat ako ng bigla siyang humarap ng nanlalaki ang mata.
Matatawa na sana ako kaso bigla siyang napahawak sa balikat ko at bigla na lang kaming bumagsak sa sahig. Nahawakan niya agad ang ulo ko kaya hindi tumama ang ulo ko sa sahig. Ngayon ay nakapatong siya sa akin. Parehas kaming nanlalaki ang mata.
My heart is pounding so loudly. I locked my gaze on him, and he locked his gaze on me. I felt like he could already hear the speed of my heartbeat as the two of us stared at one other. I was nervous since our faces were so near.
Nagulat ulit ako ng bigla siyang tumayo. Naiwan pa 'rin akong nakahiga dito sa sahig. Buti na lang at naka-short ako ngayon at hindi palda, dahil medyo nakabuka pa ang hita ko ngayon.
Lumuhod siya sa harap ko at tinulungan akong i-angat. Mabilis pa 'rin ang tibok ng puso ko kaya pagkatayo ay hindi pa 'rin ako makagalaw. Ngayon tuloy ay sising-sisi ako na ginulat ko pa siya
"Okay ka lang?" Agad akong napalingon sa kaniya ng magtanong siya. Ngunit nang magtama ulit ang paningin namin ay agad akong umiwas.
"O-Oo, a-ayos lang ako." Nauutal kong sabi.
Nagdala lang siya ng pagkain kaya kinain namin 'yon ng tahimik. Parehas lang kaming walang imik habang kumakain hanggang sa napag-desisyunan 'kong umuwi na.
Wala siyang nagawa kung hindi ligpitin ang kalat ang samahan ako pababa. Nang makalabas kami sa building ay nagsalita siya.
"Hatid na kita," Sabi niya.
Agad akong tumanggi.
"'Wag na!" Napasigaw ako. Napayuko tuloy ako. "Thanks! Una na ako!" Tinignan ko siya at nginitian sabay takbo palayo sa kaniya.
Nung malapit na ako sa bahay ay agad akong pumasok at hindi pinansin sila Mama sabay takbo sa kwarto ko.
"Argh!" Sigaw ko pagkabagsak ko sa kama. Nakakahiya! Dapat pala hindi ko na lang siya ginulat.
Nagpapadyak ako sa inis dahil sa ginawa ko. Ilang oras akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko at nag-iisip kung bakit ako biglang nailang sa kaniya. Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa makatulog ako.
Three days. Three days ko nang iniiwasan si Adler since that incident. Nagme-message siya sa akin na pumunta kami ng rooftop pero lagi kong sinasabi na marami akong ginagawa. Kapag nagkikita kami ay umiiwas ako agad.
Kinabukasan, ay papasok ako ng gate ng school. Nang makapasok sa building ay nakita ko bigla si Adler. Napahinto ako sa paglalakad. Nagkatinginan kaming dalawa.
Ang buhok niya ay parang buhok koreano na may bangs at nakahati sa gitna. 'Yung tingin niya ay gaya ng natural na tingin niya, kalmado lang siyang nakatingin sa akin.
"Zia!" Tawag sa akin ni Bri. Napalingon ako agad sa kaniya, kasama niya si Sav. Tumakbo agad ako, hindi para pumunta kay Bri. Tumakbo ako palayo.
Nakarating ako sa room ko at agad akong umupo sa upuan ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsimulang magbasa.
YOU ARE READING
Pain In My Heart
RandomLife Series #1 People go through so much pain trying to avoid pain. We don't want to feel the pain. We don't want to be hurt. Time doesn't heal emotional pain, you need to learn how to let go. Every pain serves as a lesson to us. We get hurt, we fee...