7

73 12 0
                                    

Chapter 7

A day passed and I was just at home. Mama didn't allow me or even ordered me outside because I had to rest that day. I've been home all day. Watched tv, did calligraphy, did homeworks, slept and ate.

Lunes na at may pasok na naman. Maayos naman ang pakiramdam ko at hindi naman ako gaano napagod kaya nakangiti akong pumasok sa room.

"Saya natin, ha?" Salubong sa akin ni Faye. Nginitian ko lang siya at umupo na sa upuan ko. Maya-maya lang dumating na ang professor namin kaya nagsimula na kaming mag-klase.

Accounting ang sumunod na klase namin at talagang sinubukan kong intindihin ang lecture pero hindi ko pa 'rin naintindihan, mabuti na lang at hindi nagpa-activity o nagpa-quiz si Sir.

Mamaya ko na lang sa bahay iintindihin. Ewan ko pero mas naiintindihan ko ang isang lecture kapag binabasa sa libro. Naguguluhan lang lalo ang utak ko kapag nakikinig sa prof.

Dalawang subject ang lumipas at break time na. Tinext ko si Bri, Sav at Vince kung break na ba nila pero walang sumagot.

"May klase pa siguro." Sabi ko sa sarili ko at binalik ang phone sa bulsa. Madalas kasi kaming hindi sabay-sabay sa break namin kaya sanay na 'rin ako mag-isa.

Bumili lang ako sa cafeteria ng pagkain at sa garden na lang ulit ako kumain. Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga bench na nandidito. Ang garden na ito ay tanaw mo ang isang daanan papunta sa likod ng school namin, 'don ko nakita si Adler 'non na sinalubong ng babae.

Madaming puno dito at masarap ang hangin, sabi kasi ni Mama maganda daw sa akin ang makalanghap ng hangin. Hindi naman garden 'to sa tingin ko. Garden lang talaga ang tawag ko kasi puro puno.

Nakita ko si Adler na dumaan ulit do'n sa daanan. Medyo mataas ang pwesto ko sa kaniya kaya makikita ko agad ang mga dadaan 'don. Walang kasama si Adler kaya tinawag ko.

"Adler!" Pagtawag ko. Napalakas ata ang boses ko kaya napatingin 'din sa akin ang ibang students.

Napatakip ako ng bibig at napayuko sa kahihiyan. Buti na lang at konti lang ang estudyante na tumatambay dito. Karamihan kasi sa cafeteria o sa field tumatambay.

Kamot-ulo namang umakyat sa hagdan papunta dito si Adler.

"Problema mo?" Salubong niya.

"Masungit pa 'rin?" Nakasimangot kong sabi.

"Oh, tapos?" Pabalang na tanong niya.

"Tapos na!" Inis na sabi ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin t'saka tumalikod at umalis na pero pinigilan ko siya. "Wait lang!" Sabi ko sabay hawak sa braso niya. Napatingin siya sa braso niya at kamay ko. Agad ko iyong binitawan dahil baka hindi niya gusto ang ganoon. "Sorry." Mahinang tugon ko.

"Tsh. Bakit ba?"

"Magpapasama lang. Wala akong kasama kumain eh." Parang batang tugon ko.

"Ano ka, bata?" Natatawang aniya.

Nanlaki pa ang mata ko dahil sa ngiti niya.

"Tumawa ka?!" Gulat kong sabi. Hindi ko alam kung kelan ko nakita ang tawa niya pero sa tingin ko ngayon ko lang siya nakitang tumawa.

Agad na napawi ang ngiti n'ya sa tanong ko. "Hindi." Masungit na ulit na sabi niya.

"Weh? Tumawa ka!" Pagpipilit ko pa.

"Hindi nga."

"Tumawa ka nga!"

"Hindi nga kasi."

"Eh, tumawa ka nga eh!"

"Hindi nga."

"Ah, basta tumawa ka."

Pain In My HeartWhere stories live. Discover now