3

115 14 0
                                    

Chapter 3

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. Bukas naman 'yon kaya hinintay ko na lang bumukas.

"Ate, kakain na daw," Sabi ni Allyson habang nakadungaw sa pintuan ng kwarto ko.

"Sige, susunod ako," Sabi ko at binitawan ang cellphone ko. Iniwan ko 'yon sa kwarto ko at bumaba.

Nang makababa ako nandoon na sila at kumakain. Napatingin silang dalawa sa akin pero agad 'ding kumain muli.

Umupo ako sa upuan ko at nagsimulang mag-sandok ng pagkain. Nag-bangayan lang kaming tatlo hanggang sa matapos kumain.

"Oh, sino maghuhugas?" Tanong ni Mama sa amin.

"Si Allyson, Ma." Ani ko sabay turo kay Allyson.

"Hoy! Ako na ang nag-hain kanina, ikaw naman kumilos." Bawi sa akin ni Allyson.

"Bakit ako na naman?" Tanong ko. Napataas naman ang kilay nilang dalawa sa akin. "Para walang away, Ikaw na lang ang maghugas, Ma." Turo ko ulit. Ayaw na ayaw ko talagang maghugas. Swear!

"Hoy, Zialyne Amethyst. Umalis ka kaninang umaga nang walang ginagawa, ni hindi ka naghugas nang pinagkainan natin. Ngayon, ako na ang nagluto, si Allyson ang nag-hain, at ikaw ang maghuhugas," Mahabang paliwanag ni Mama.

"May ginawa naman ako kanina, ah?" Pagtanggol ko sa sarili ko.

"Magbigay ka ng ginawa mo ngayong araw, sige nga." Naghahamon na sabi ni Allyson.

"Ano..." Napaisip ako. "Ma! Bawal akong mapagod diba?" Pag-arte ko.

"Hindi ka mamamatay sa paghuhugas, Zialyne. Tumigil ka at hahampasin na kita!" Inis na sabi ni Mama sabay amba.

Napakamot ako ng ulo at walang nagawa kundi maghugas. Pagkadating ko sa harap ng lababo, feeling ko isang restaurant ang kumain sa bahay namin.

Kasama dito yung pinag-kainan namin kaninang umaga! Mga bwiset talaga!

"Bwisetttt!" Sigaw ko.

"Good luck!" Sigaw ng dalawang mag-ina at umakyat na sa taas. So, ako pa ang magpupunas ng mesa? Aish!

Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ako sa paghuhugas. Umakyat na ako sa taas para sana magpahinga na pero biglang nag-vibrate ang phone ko.

adler.frdnz: hoy! t-shirt ko!

Holy crap! Nakalimutan ko! Agad ko naman siyang nireplyan.

zialynegarcia: Ano?

adler.frdnz: t-shirt ko, ibalik mo na.

zialynegarcia: Pwede namang bukas na yon.

adler.frdnz: i need it now.

zialynegarcia: Bukas na nga. Madami pa akong gagawin. Saka hindi pa to nalalabhan, marumi pa.

adler.frdnz: i dont care, ngayon na!

Galit na ba 'to? Nakakainis na, ha?

zialynegarcia: Bakit?!

adler.frdnz: cause i am now in front of your village! Kanina pa, simula ng nag message ako sayo!

Oh, shit! Dali-dali akong tumayo at umalis ng kama sabay hablot sa wallet, phone ko at t-shirt niya.

Pagkababa ko ay wala nang tao at madilim na kaya tuloy tuloy lang ako hanggang nasa tapat na ako ng gate ng village namin.

Do'n, nakita ko siya na kinakausap yung phone niya. No! Naglalaro ng ML. Naisip ko sanang tawagan siya sa IG pero wag na, ang dami ko na atang kasalanan dito, mabait pa naman ako.

Pain In My HeartWhere stories live. Discover now